Advertisers
MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng mga recoveries ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Nobyembre 15.
Sa inilabas na pinakahuling update ng DOH, umabot sa 11,290 ang gumaling sa Covid-19 dahilan para umabot na sa kabuuang 374,329 ang COvid-19 related recoveries sa bansa.
Bagay na bumaba rin ang bilang ng mga aktibong kaso ngayon na umabot na lamang sa 25,677.
Sa ngayon, ang kabuuang kaso naman ay pumalo na sa 407,838 dahil sa karagdagang 1,530.
Nasa 41 naman ang nadagdag sa mga pumanaw kung saan umabot na sa 7,832 ang kabuuang namatay sa sakit.
Ayon pa rin sa DOH, 90 ang naitala sa Cavite na isa sa probinsya at syudad na may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 habang sa Rizal ay 84 na kaso.
79 kaso naman sa Maynila, 78 sa Davao City at 73 sa Taguig City. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)