Advertisers

Advertisers

Janine may maipagmamalaking best actress trophy na sa lolang si Nora

0 326

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

UMANI ng kaliwa’t kaliwang pagbati ang pagkapanalo ni Janine Gutierrez bilang best actress sa ika-43 edisyon ng Gawad Urian para sa QCinema entry na ‘Babae at Baril.’

Kinabog kasi niya ang mga beteranang aktres tulad nina Anita Linda, Angie Ferro, Ruby Ruiz at maging sa mga kakontemporaryo niyang sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.



Sey pa ng netizens, pinatunayan ng aktres na nananalaytay talaga sa dugo niya ang pag-arte.

Katunayan, may maipagmamalaki na raw sa kanyang lola na si Nora Aunor at sa inang si Lotlot de Leon na kapwa magaling at award-winning actress.

Hirit nila, dahil may Urian na ito, darating ang panahon na liliga na rin ito sa mag-ina.

Dagdag pa nila, sana raw si Janine na rin o ang pagkapanalo nito ang maging daan para tuluyan nang matuldukan ang ‘di pagkakaunawaan nina Guy at Lotlot.

Pahabol pa nila, wish nilang makita o mapanood ang tatlo sa isang pelikula na siguradong tatangkilikin ng madlang pipol.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">