Advertisers

Advertisers

Jessy binanatan ang nang-okray sa malaking tiyan

0 262

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI na nagpadalus-dalos pa si Jessy Mendiola at ang nang-okray sa kanyang tiyan na netizen.

Ura-urada nitong binira at binanatan.



Sa posted pics ni Jessy sa kanyang socmed ay makikita  ang larawan ng aktres na naka-sexy dress na labas ang tiyan.

Pero may isang netizen ang nang-bash nang makita ang kanyang tiyan.

Ayon naman sa lait ng basher na ang tiyan nga raw ni Jessy ay parang nanganak na.

Hindi naman pinalagpas ni Jessy ang basher at sinabing gusto nga raw niya ang ganung tiyan.

Naloloka naman ang gf ni Luis Manzano dahil nung mataba raw siya ay kung anu-ano ang mga komento.



At ngayon nga raw sumeksi ito ay may sinasabi pa ang mga tao.

Hindi na nga raw alam ni Jessy kung saan na siya lulugar.

Basta happy ang aktres dahil 72lbs. ang nabawas sa kanyang timbang na ikinatuwa nito at ng kanyang bf sa effort na ginawa nito na pagpapaseksi.

Need din daw ng basher na mag-work out or gym para maging sexy din ayon sa aktres.

***

Heart simpleng rumesbak sa basher pero tagos

 

ISANG netizen ang walang takot na nag komento sa mga post ni Heart Evangelista.

Kapag nakikita nga raw nito ang post ng fashion icon na si Heart ay tumataas daw ang presyon ng dugo nito or naha-high blood.

Kung dati raw ay dedma lang at no komento si Heart sa mga nambu-bully o namba-bash sa kanya sa socmed, ngayon ay nakatitikim nga raw ng hagupit na resbak ang mga namba-bash sa esmi ni Chiz Escudero.

Hindi naman pinalagpas ni Heart ang isang basher na nagsabi na tumataas ang kanyang presyon kapag nadadaanan ang post ni Heart.

Ayon kay Heart na better take garlic nga raw ang netizen  na tumataas ang presyon.

Pero dagdag ng aktres na ang bawang nga raw is not good for aswang.

Simple lang nga ang banat pero may dating  na sinagot ni Heart ang kanyang basher.

May mga follower naman na bumilib sa bira ni Heart at sosyal na sosyal nga raw ang arrive pero may angas din.

Ingat na nga raw ang mga mamba-bash dahil hindi na sila palalagpasin ni Heart.

Well, well, well…’Yun na!