Advertisers
Ni BOY ROMERO
PINAALAM ni Geoff Eigenmann sa isang kaibigan sa ABS-CBN ang paggawa ng teleserye sa Net 25. Ito ay ang “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” opposite Ynna Asistio.
Mapapanood na ito simula November 28, every Saturday, 8pm at tatakbo ito ng isang season. Tapos na lahat ang 13 episodes na kinunan sa Bataan at ayon naman sa batang aktor ay naiintindihan siya ng ABS-CBN.
Pandemic nga naman ay need niyang magtrabaho for his family. Tatlo na kasi ang anak ni Geoff at ang bunso nga niya ay ipinanganak pagkatapos ng kanilang less than a month na lock-in taping.
First time nilang magkatrabaho ni Ynna Asistio. Kaya asked namin ang kanilang working relationship.
“Sobrang dali. Lahat ng eksena namin, maybe a light o dramatic, ang dali naming nagagawa. Majority of our scenes halos take one. Nobody makes a mistakes with their lines. The emotions is always there.
“Take one lahat ang nagagawa namin. Nagagawa namin ang lahat ng scenes na efficient at mabilis. Ramdam ang buhos ng emotion namin,” deklarasyon pa niya.
Sobrang saya ni Eigenmann dahil sa teleseryeng ito ay mag-isa siyang bidang lalake dahil karamihan daw sa ginawa in the past ay support lang siya at nabigyan daw siya ng opportunity na gawin pa rin ang gusto niyang gawin at siyempre sa hirap daw ng buhay ngayon dahil sa pandemic ay may maibibigay siya sa kanyang pamilya.
***
THERE’S no more stopping Net 25. Makikipagpukpukan at makikipagsabayan na ito sa GMA-& at TV-5. Nung Martes ng gabi ay nagkaroon ng grand launch para sa kanilang mga bagong show na may sarili at bagong timpla para swak sa panlasa ng mga manonood at ‘di basta-basta rin ang mga artistang tampok sa bawat show.
May teleserye, variety, documentary, talent search, public service at buod pa rito ang mga dati nilang show na news program, musical variety show at morning show.
May audience share na agad ang “Happy Time” na hosts sina Anjo Yllana, Kitkat at Janno Gibbs. Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12pm to 2pm. Kaabang-abang ang kanilang talent search program na “Tagisan Ng Galing Part 2” every Saturdays and Sundays, 12 noon at 9pm.
Two categories kasi ito, singing at dancing at P2-M ang prize ng champion. Formidable ang line-up ng mga judge. Sa singing ay sina Imelda Papin, Vina Morales, Jessa Zaragoza, Marcelito Pomoy at Marco Sison.
Sina Joy Cancio, Joshua Zamora, Wowie de Guzman at Mia Pangyarihan. Hosted by Ruru Madrid at Jon Lucas.
Kaaliw namang panoorin si Robin Padilla sa “Kaagapay sa Hanapbuhay” dahil mapi-feel mo agad ang may pusong pagho-host niya. Napapanood ito tuwing Linggo, 7:30pm at may replay ito tuwing Sabado, 9am.
Enjoy ka naman sa “kesayasaya, isang musical sitcom every Sunday, 6;30pm with replay tuwing Sabado, 9:30pm.
Tampok dito sina Robin Padilla, Pilita Corrales, Vina Morales, Darius Razon, Cynthia garcia, Eva Vivar, Diego Salvador (a.k.a Idol Binay), Sherylene Castor (a.k.a.Jinkee P) at marami pang iba.
Katutok-tutok din ang P.A.R.A.K (Police Action and Response: Ang Kasama Mo na ang host ay si Victor Nere.
Pampawala ng stress sa pakikinig sa “Himig Ng Lahi” every Sunday 8pm to 9pm hosted by Pilita Corrales at Darius Razon. So there!