Advertisers

Advertisers

Vice-Pres-COO at talent manager na si Malou Choa-Fagar binigyan ng intimate party nina Roselle Monteverde at Sen. Jinggoy Estrada

0 469

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

EVERY year ay talagang fabulous ang birthday celebration ng well- loved sa showbiz industry na si  Ma’am Malou Choa-Fagar na dinadaluhan ng kanyang mga kaibigang celebrities, talent managers at

mga alaga.



Pero this year dahil sa buhay pa rin ang Covid-19 at sumusunod si Ma’am Malou sa health protocol na bawal pa ang mass gatherings (maramihang bisita) ay hindi siya nagdaos nang bonggang party pero sinurpresa naman siya ng intimate na tipar ng kaibigang lady producer na si Ms. Roselle Monteverde na idinaos last Nov.11 sa 38 Events Place sa Valencia na pag-aari ni Mother Lily Monteverde na Bff din ng nasabing birthday celebrant na Vice President at COO ng Tape Inc. na producer ng Eat Bulaga.

Sa nasabing celebration ay muling nakasama ni Ma’am Malou ang kanyang mga kagrupo sa Wednesday Club na nung wala pang pandemic ay weekly silang nagkikita. Nagsilbi na ring reunion ito ng grupo na kinabibilangan nina Tito Mario Bautista, Ces Evangelista, Ana Pingol, Allan Diones, at Joe Barrameda. Dumalo rin si Sen. Jinggoy Estrada upang batiin nang personal si Ma’am Malou.

May 41 years nang  vice president at chief operations officer si Ma’am MCF na kilala ring sikat na talent manager and wow, at her age ay hindi pa rin kumukupas ang beauty ng bigwig ng Tape Ofc. Mabait, maganda ang PR, at kind hearted ito.

God fearing person din ito kaya blessed. November 12 ang eksaktong birthday nito.

Mula rito sa amin sa Police Files Tonite, Happy Natal Day to you Ma’am Malou Choa-Fagar.



***

Iba Rin Ang Level… Liza Javier, Si Nora Aunor Ang Co-Awardee Sa Pagtanggap Ng Parangal Sa 19th Annual Gawad Amerika Awards

MGA Iconic sa OPM na sina Jose Mari Chan at Jam Morales ang dalawa sa co-awardees na nakasama ni Liza Javier sa pagtanggap ng pangalawang parangal sa Gawad Amerika Awards na ginaganap taun-taon sa Celebrity Centre, Hollywood, California.

And this year kahit na aktibo pa rin si Covid-19 ay lucky si Liza at maliban sa tuloy ang awarding ceremony via online ay co-awardee niya this year ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na tatanggap ng “Lifetime Achievement Award In Performing Arts,” samantalang si Liza ay ikaapat na pagkakataon na pararangalan bilang “2020 Most Outstanding Radio Host-Tokyo.”

Yes, tinalo lahat ni Liza ang mga sikat na radio personality sa Tokyo, Japan dahil siya ang nakasungkit nito. Excited na ang nasabing internet radio personality musician sa magaganap sa awards night na makikita niya ang ating Superstar via Zoom.

“It’s a big honor for me na mapabilang na naman sa awardees this year. And I’m very

proud to say in my entire career ay ngayon ko lang makakasama si Ms. Nora Aunor na idolo ng masang Filipino. “Kung walang pandemic at live kaming magkikita sa Amerika ni Ate Guy, talagang

yayakapin ko siya at magre-request ako ng photo op with her. I’ll give her a gift na beauty products na Ruby-Cell at Riway na parehong number one dito sa Japan and other countries kasi gusto ko parating maganda ang ating nag-iisang Superstar o icon ng movie industy,” say pa ni Ms. Javier na malaki rin ang paghanga at respeto kay Ate Guy.

***

Tumapat Sa Eat Bulaga Apat Na Noontime Show Na, Longest-Running Noontime Variety And Public Service Show Number One Pa Rin Sa Dabarkads Sa Buong Pinas

SA Philippine Local Television ay history nang maituturing ang Eat Bulaga bilang number one and longest-running noontime variety and public service show, na nagsimulang umere noong July 29, 1979 sa number one pa noong RPN9. At kahit sa nilipatan ng Eat Bulaga na ABS-CBN at GMA7 na hanggang ngayon ay kanilang tahanan ay hindi iniiwan ng Dabarkads sa buong Pilipinas ang Bulaga na kinaaliwan nila araw-araw at nakatutulong sa maraming kababayan.

Kaya naman kahit na sino pa ang bumangga sa show ay talagang hindi matibag ang programang pinangungunahan ng hanggang ngayo’y sikat na trio Tito, Vic, and Joey kasama ng kanilang kapwa Dabarkads hosts. Isa ring history ang ALDUB Loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza na pinadapa sa ratings game ang lahat ng kanilang kalaban partikular na ang It’s Showtime na dahil sa 3 percent na lang na rating ay muntik nang magsara noon.

Sa ngayon nganga pa rin ang noontime show ng Kapamilya network sa EB na tinapatan na rin ng mga kapwa nila noontime show sa TV5 at Net25. Malapit na rin daw umere ang isa pang tatapat sa Kapuso and Tape Incorporated noontime show na Tawa Sa Tangha-

li ng NBN 4.

Well, matira matibay pero walang duda na ang Eat Bulaga pa rin ang panalo rito na nangingibabaw sa kanilang daily segment na “Bawal Judgemental.”

Super duper agree!