Advertisers

Advertisers

Baha ng putik sanhi ng quarry sa kabundukan

0 343

Advertisers

HUMUPA na ang baha sa mga bayan/lungsod ng Rizal. Problema naman ngayon ng mga residente ang makapal na putik na naiwan ng tubig-baha sa loob at labas ng kanilang mga tahanan.

Bakit nga ba may halong makapal na putik ang baha sa mga bayan ng lalawigan ng Rizal? Eh kasi grabe na po ang quarry dyan sa kabundukan ng Rizal. Kaya pag umulan ng malakas… dahil wala nang mga puno na makapitan ang lupa, sumasama na itong putik sa pagbaba ng rumaragasang tubig-baha. Resulta: Lubog sa bahang putik ang San Mateo, Rodriguez, Antipolo, Morong, at Taytay.

Oo! Sumilip kayo ngayon sa Rodriguez at iba pang bayan sa Rizal, ang mga residente nagpapala, nagwawalis ng putik sa loob at labas ng kanilang tahanan. Ang kalsada, hindi pa madaanan dahil isang talampakan ang lalim ng putik. Mamumura mo talaga ang mga pesteng quarry operators!



Eh sinu-sino ba ang dapat sisihin dito? Eh di si MAYOR, si GOBERNADOR, ang tanggapan ng DENR na nag-iisyu ng permiso sa pagwasak sa kabundukan. Mismo!

Ganito rin sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya, mga lalawigan sa Region 2 na lubog sa baha, abot hanggang bubong ang tubig, higit 15 feet daw ang lalim mula nung Huwebes na kasagsagan ng bagyong Ulysses. Lumabas na ng bansa nung Biyernes ang bagyo. Pero hanggang nitong Linggo ay nasa lebel pa ng mga bubong ng kabahayan ang baha dahil sa patuloy pang pagpakawala ng tubig sa Magat Dam.

Mas worst daw kasi ang mangyayari kapag hindi nagpakawala ng tubig ang dam. May limit kasi kung hanggang anong lebel lang ang puede maging laman ng dam. Pag sumobra sa lebel posible itong bumigay at bubulusok ang volume ng tubig pababa na maaring bumura sa mga kabayanan ng Cagayan at Isabela.

Sa pagbisita ni Pangulong Rody Duterte nitong Linggo sa Cagayan, nakita niya sa kanilang aerial inspection ang kalagayan ng naturang mga lalawigan, para na itong Pacific Ocean.

Ang sinisisi rito ng mga tao ay ang mga illegal mining, quarry at logging.



Kaya kaagad iniutos ni Pangulong Duterte sa DENR, kay Sec. Roy Cimatu, na imbestigahan ang mining, quarry at logging sa naturang mga lalawigan.

Tulad sa Rizal, stage 4 narin ang kanser ng mga illegal mining, quarry at logging sa Region 2. Eh sinu-sino sa tingin mo ang nasa likod ng pang-aabuso sa kalikasan sa rehiyong ito? Op kors sina mayor, governor kasabwat ang mga opisyal ng DENR sa rehiyon at probinsiya. Mismo!

Sa ganitong pangyayari, naaalala natin si dating yumaong DENR Secretary Gina Lopez.

Si Gina Lopez na labis na nagmamahal sa kalikasan ang nagkansela noon sa lahat ng permit ng mining operators na nagbubungkal sa kabundukan sa paligid ng mga dam, sakahan at dagat. Sinagasaan niya mga politikong may negosyong mining.

Kaya nang isalang si Gina Lopez sa confirmation ng Commission on Appointment (CA), dalawang beses siyang binasura ng mga gagong mambabatas na pasok sa mining business.

Nang mawala si Gina Lopez sa DENR, naibalik lahat ng permit ng mining operators na dating ‘di makaporma kay Gina.

Naalala ko pa nang harap-harapang pagsabihan ni Gina Lopez si Congressman “Chubby” Zamora sa CA hearing na: “Congressman, your brother has killing the mountain.” Di nakaimik si Zamora. Hehehe…

Ang ‘Pambansang Kamao’ na si Senador Manny Pacquiao ay isa sa mga kumontra sa appointment ni Gina Lopez. Ang iba pang senador na nag-reject kay Gina ay sina Tito Sotto, Kiko Pangilinan, JV Ejercito at Loren Legarda.

Mostly ng kongresista na miembro ng CA ay ni-reject din si Gina. Eh kasi swak sila sa mining business. Mismo!

Well, tingnan natin kung ano mangyayari sa order na ito ni Du30 sa DENR na imbestigahan ang mining sa Region 2.

Subaybayan!