Advertisers

Advertisers

Mariel at Vina naging putahe si Robin nang magsalpukan sa cooking

0 302

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

INABANGAN ng sambayanan ang naging tapatan nina Mariel Rodriguez at Vina Morales na ex-gf ng kanyang mister na si Robin Padilla.

Guest kasi si Vina sa cooking show ni Mariel sa kanyang vlog na nagluto si Vina ng specialty niyang pinakbet.



Sa halip na sa putahe ang kanilang pag-usapan, nasentro ang kanilang topic kay Robin na common knowledge namang malaki ang bahagi sa kanilang mga buhay.

Tudyo ni Mariel kay Vina habang ginugunita ang nakaraan nila ng asawa: “Parang totoo yung love sa iyo ni Robin noon.”

Ito raw iyong panahong kandaugaga pa si Robin sa paghahanap ng maireregalong bulaklak sa kanya habang nagsho-shooting sila ng Ang Utol kong Hoodlum.

Sa pagbabalik-tanaw, aminado rin si Vina na at 16, na-in love talaga siya kay Robin.

Katunayan, ito raw ang naging escort noong mag-debut siya.



Hirit pa niya, mahigit isang taon at kalahati raw ang itinagal ng kanilang relasyon bagama’t on and off daw ito.

Ibinuking din niya na nagkahiwalay sila ng original Bad Boy of Philippine movies dahil marami raw itong chicks noon.

Dahil sa pagiging sport ni Mariel sa ex ng asawa, naging postibo ang reaksyon ng ilang netizens.

Ito ang ilan sa kanilang komento.

“I really admired Mariel’s character. She is one of the million.”

“Mariel is on top when it comes to being the most friendly with all the exes..”

“Love this! Marielle, you’re such a good example on how to bridge gaps between exes for the sake of a happy and stress-free living. Salute!”

Sey nila, kaya raw tumino si Robin ay dahil na rin sa pagiging mabait at understanding ni Mariel na tanggap ang nakaraan ng mister.

Kamakailan lang, muling pinag-usapan si Mariel sa himutok nito sa nagpakalat ng fake news sa kanyang mister.

Si Vina naman na isang single mother na may anak kay Cedric Lee ay na-headline nang ma-snatch ang cellphone nito sa EDSA.