Advertisers

Advertisers

Move-on na sa ‘yo Carlo… Angelica umamin, may bagong labs na

0 242

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGING special guests ni Angelica Panganiban sa kanyang digital show na Ask Angelica para sa kanyang birthday episode ang mga kaibigang sina John Prats, Piolo Pascual, Vice Ganda at Glaiza de Castro. Hindi lang basta bumati at nagbigay ng birthday wishes sina John, Piolo at Vice,  kundi nagtanong din sila kay Angelica.

Nang tanungin ni John si Angelica tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon, buong ningning nitong sinabing, “Kalmado ang puso ko ngayon.”



Sa tanong naman ni Vice kung kanino niya gustong maging romantically involved, walang kagatul-gatol ang naging sagot ni Angelica, “Sa local wala. Meron na ako eh!”

Ang tanong naman ni Piolo, “Ano bang dapat gawin kung mahal mo pa ang isang tao pero naka move-on na siya?  Dapat ka pa bang maghintay o move on ka na rin?

“Kung hindi ka maka move-on du’n sa taong mahal mo at siya masaya na…para kang tanga. Kasi unang-una, kung hindi ka na mahal, mag move-on ka agad. Hindi ka dapat nag-i-spend ng time sa taong hindi kayang mag-spend time sa ‘yo,” sagot ni Angelica.

‘Yung tanong ni Piolo, parang tungkol kay Carlo Aquino na ex ni Angelica. Nu’ng nagkasama kasi uli ang dalawa sa pelikulang Excess Baggage ay nanumbalik ang feelings ni Angelica kay Carlo. Nagpakita kasi ng pagki-care muli sa kanya si Carlo na inisip niyang babalikan siya nito.

Pero hindi naman siya binalikan ni Carlo. May girlfriend na pala ito, si Trina Candaza, na isang model at nagkaroon na sila ng baby noong September.



Pero base sa sagot ni Angelica kay Piolo, halatang naka move-on na rin naman siya. Nakalimutan niya na si Carlo. Sabi nga niya kay John, kalmado ang puso niya ngayon, di ba?

At base rin sa birthday message sa kanya ni Glaiza, halatang may bago na siyang minamahal.  Sabi kasi ni Glaiza, “Salamat sa pagke-care mo sa ‘kin ngayon. Di ka na mahihirapan kasi may nagke-care na sa ‘yo. Basta alam mo na yun.”

Kung may bago na ngang pag-ibig si Angelica, sana ‘yung guy na ang maging huling lalaki sa buhay niya, at makatuluyan niya.  Natagpuan na sana niya ang kanyang Mr. Right.

Tanong ko lang, foreigner kaya ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso? Sabi niya kasi kay Vice, wala sa local ang gusto niyang maging romantically involved ‘di ba?

Ang Ask Angelica ay napapanood sa social media accounts ng ABS-CBN Films (Star Cinema and Black Sheep), sa YouTube channels ng Sinehub at MyChos, during the Kapamilya Online Live streams, at sa streaming platform Kumu.

Available din ito sa iWant TFC app, and for listening on Spotify, Apple Podcasts, Pocket Casts, Google Podcasts, and Overcast  May delayed telecasts ito sa Cinema One at Jeepney TV.

***

AYON kay Matteo Guidicelli, ang kaibigang si Billy Crawford ang naging ugat para makilala niya ang misis niya ngayong si Sarah Geronimo.

May concert daw kasi noon si Sarah sa Cebu, na special guest si Billy. Tinext nya raw ito para manood at ipakilala siya sa Pop Princess. Matagal na raw kasi niyang crush si Sarah.

Ayun, nang makilala ay niligawan niya ito, napasagot, at ngayon nga ay kanya nang asawa.