Advertisers

Advertisers

P3.1m ‘damo’ huli sa 4 tulak sa Caloocan City

0 192

Advertisers

ARESTADO ang apat katao sa buy-bust operation sa Caloocan City kungsaan nasamsam ang P3.1 milyong halaga ng high-grade marijuana.
Kinilala ang mga nadakip na sina Christian Jerico Refuerzo, John Yecla, Ronnel Corpen, at Bruce Gaslani.
Sinabi ni Philippine National Police chief, General Debold Sinas, kay Interior Secretary Eduardo Año na si Refuerzo ay kabilang sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) drug watchlist.
Nasamsam rito ang 23 bricks ng dried marijuana na nakabalot sa transparent plastic at 41 Ziploc bags na naglalaman din ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Ayon kay Sinas, nasa 26 kilograms ang nahuling “damo” na nagkakahalaga ng P3,120,000 sa drug market.
(Gaynor Bonilla)