Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAY paparating na comedy-game show for all generations sa GMA News TV!
Hindi bale kung sa Baby boomer, Gen X, Millennial o Gen Z ka man nabibilang dahil tiyak na enjoy ang lahat sa kaabang-abang na games and surprises sa Game of the Gens na ihahatid nina Sef Cadayona at Andre Paras.
Kaabang-abang ang unique and fresh team up ng dalawang Kapuso stars. Kung si Andre ay may natatanging talento sa hosting at kadalasan ding gumaganap na leading man, si Sef naman ang isa sa promising comedians ng kanyang henerasyon.
Abangan ang ‘Game of the Gens’ soon on GMA News TV.
***
Ruru Madrid at Shaira Diaz sumabak na sa training para sa action series na ‘Lolong’
Sumailalim na sa training ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa pagbibidahang upcoming action-packed series na Lolong.
Kahit na online ang kanilang training, marami raw natutunan ang dalawa sa kanilang mga pinagdaanang ensayo.
“Kahit online training pa lang, marami na kaming natutunan agad and at the same time, medyo ang hirap,” pahayag ni Shaira.
Dagdag pa ni Ruru, “Ang goal ng aming trainer ‘yung form namin para at least once na nakasalang na kami sa TV or may fight scenes kami, ‘yung form namin ‘yung nangingibabaw.”
Pinaghahandaan din nina Ruru at Shaira ang mabibigat nilang eksena sa serye, lalo pa at makakasabayan nila ang ilan sa mga hinahangaang personalidad sa industriya.
“To be honest, nakaka-pressure talaga. Medyo mataas talaga ‘yung expectations ng mga tao, siyempre, magandang casting, ganyan,” ani Ruru.
Sey naman ni Shaira, “Mas kinakabahan ako pero siyempre gaya ng sabi ni Ruru, excited na rin ako na may matututunan sa kanya.”
***
Lovi Poe at Benjamin Alves kapwa nahumaling sa K-drama
Malaki raw ang naitulong ng panonood ng Korean drama para hindi makalimutan nina Lovi Poe at Benjamin Alves ang kanilang mga karakter sa bagong pagsasamahang series na ‘Owe My Love.’
Dahil natigil ng ilang buwan ang taping para sa pagbibidahang serye, nadiskubre raw nina Lovi at Benjamin na marami silang natututunan bilang artista sa panonood ng Korean dramas.
Kuwento ni Lovi, “I started watching K-Drama and I’m addicted to it now. So I think that’s one thing na parang without even knowing na meron kaming natututunan all throughout para madala namin sa show. And now, I’m just so excited to bring kung ano ‘yung mga bago kong natutunan at kung ano ‘yung mga baon namin.”
“Actually nagme-message kami ni Ben lagi na excited na ako na mag-start kami ng Owe My Love kasi may mga iba na kaming atake sa roles,” dagdag pa ng Kapuso actress.
Ayon naman kay Benjamin, ang kanilang pagkahilig ni Lovi sa Korean drama ang isa raw sa dahilan kung bakit tuluy-tuloy ang communication nila sa gitna ng quarantine, “Si Lovi naman ang nagre-recommend sa akin. Noong March hindi siya nanonood ng K-drama, ngayon ang dami niyang sinasabi sa akin, ‘You have to watch this guy, you have to watch this.’”
Kamakailan ay sumabak na rin sina Lovi at Benjamin sa nakakakilig na virtual script reading para sa kanilang upcoming Kapuso rom-com series.