Advertisers

Advertisers

Trauma dulot ng mga kalamidad!

0 440

Advertisers

Magtatapos na ang taong 2020 na pawang kalamidad ang nanalasa tulad sa hanggang ngayon ay ang pandemyang dulot ng COVID-19 sa halos buong daigdig ay dagdag pa sa ating bansa ang pananalasa ng mga sunod-sunod na bagyong nagpalubog sa tubig-baha sa maraming mga lugar na matinding “TRAUMA” ang idinulot hindi lamang sa mga magulang kundi higit sa mga kabataang nangahihintakutan na kapag may senyales na ng kalamidad.

Kaya naman, ang COUNCIL FOR THE WELFARE OF CHILDREN (CWC) ay nananawagan sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa pagkakaroon ng “STRESS MANAGEMENT PROGRAM” na pang-asiste sa mga kabataang nahaharap sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic… siyempre pa kasama na rin dito na masolusyunan ang matinding takot sa mga dumanas na muntik nang mangamatay dahil sa matinding epekto ng pagbaha dulot ng.mga pagbagyo.

Partikular na dumanas ng matinding TRAUMA ay ang mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa mga lugar ng MONTALBAN, SAN MATEO, CAINTA at iba pang bayan ng lalawigang RIZAL, METRO MANILA, CAVITE, BULACAN, CAGA­YAN, ISABELA at iba pang mga probinsiya ay kinakailangan sa mga ito ang panawagan ng CWC na STRESS MANAGEMENT PROGRAM.



Ang panawagan ng CWC ay sinuportahan ni QUEZON CITY DISTRICT 1 COUNCILOR NICOLE ELLA “NIKKI” CRISOLOGO na kailangan aniyang pagtibayin ng mga LOCAL ­GOVERNMENT UNITS (LGUs) ang nabanggit na programa para sa pangangailangan ng mga kabataan.

Sa kasalukuyang pagdiriwang ng NATIONAL CHILDREN’S MONTH ay Ipinaliwanag ni COUNCILOR CRISOLOGO na ang kapakanan ng mga kabataan ang dapat na maging panguna­hing konsentrasyon ng QUEZON CITY GOVERNMENT ­partikular na sa Distrito Uno.

Inihayag din ng naturang KONSEHALA na may ilang ­kabataan pa rin ang sumasailalim sa matinding pagkabalisa dulot ng ­pandemiya.

Aniya, bagama’t nagsimula na ang “online class” ng mga ­pribado at pampublikong paaralan ay may ilang kabataan pa rin ang hindi na nag-enroll sa mga online class at mas minabuti na lamang ang magpaliban pansamantala sa kanilang pag-aaral sa harap ng kasalukuyang health crisis.

Dahil dito, naniniwala ang KONSEHALA na ang mga ­kabataang ito ay maaaring nakararanas ng emotional, physical at psychological stress dahil sa kakulangan ng mga activities na maaari nilang pagkaabalahan habang nasa kanilang tahanan.., kaya kinakailangan pa rin umano ng isang programa na maaaring gawin at pagkaabalahan ng mga kabataan upang maiwasan at mapaglabanan ang stress



“Kung tayo na mga adults ay masyadong nababalisa dito sa COVID-19 paano pa kaya ang mga kabataan natin. Kaya ako ay sumusuporta sa panawagan ng CWC na magkaroon ng stress management para sa ating mga kabataan,” hayag ni ­KONSEHALA CRISOLOGO.

Magandang programa ito KONSEHALA CRISOLOGO para sa kapakanan ng mga kabataan.., pero ipaloob na rin ninyo sa programa na maresolba ang naging matinding stress na dinanas ng mga kabataan nitong nagdaang bagyong ULYSSES na nawasak o nilubog ng baha ang kanilang mga bahay tulad sa pag-apaw ng MARIKINA RIVER.

PCUP LAGING UMAALALAY SA MARALITANG SEKTOR!

Bukod sa iba’t ibang organisasyon na umaalalay sa lahat ng mga nangangailangan lalo na sa panahon ng mga kalamidad ay isa ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) ang laging umaagapay sa mga maralitang sektor.

May bagong programa na naman ang PCUP ngayong panahon ng pandemya na kanilang tinaguriang FEEDINGBANG CARAVAN at mahigit sa 2,775 pamilya mula sa nga lugar ng QUEZON CITY, CALOOCAN CITY at MANILA .ang nabahagian ng ayuda

Ang PCUP na pinangangasiwaan ni USEC. ALVIN FELICIANO ay nilalayon ng kanilang ahensiya na makapagbigay ng agarang suporta sa pagkain at nutrisyon sa naralitang sektor, hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa iba pang miyembro ng pamilya.

“Patuloy po tayong nakikipag-coordinate sa iba’t ibang mga organisasyon na handang magbigay ng mga healthy foods para sa ating feeding program, para mas marami pa po tayong mahatid na masusustansyang pagkain,” pahayag ni USEC. FELICIANO.

Ibinahagi rin ng Komisyon na isa itong aksyon upang mas magabayan ang mga Community Leaders at mabigyan sila ng mga iba pang paraan kung papaano mas ma-o-organisa ang ­kanilang pagsugpo sa COVID-19.

Kaisa pa rin ng PCUP ang Jollibee Group Foundation sa programang ito, kung saan inaasahang mamimigay ng mga ready to cook food gaya ng chicken guisado, at sasamahan din ng mga gulay mula naman sa Towards Development Action (TODA) at iba pang masusustansyang pagkain.

Sa unang wave ay target umano ng Komisyon na makapag­bahagi ng ayudang pagkain sa 15,000 pamilya sa QC, CALOOCAN, MANILA at PASIG.

Ang programang ito ay bahagi rin ng nalalapit na selebrasyon ng URBAN POOR SOLIDARITY WEEK sa darating na Disyembre.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.