Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGBENTA si Willie Revillame ng isa sa kanyang mga kotse para gamitin ang pera sa pagtulong sa mga kababayan natin nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.
Last Friday, (November 13), isang special na episode para sa mga nasalanta ng bagyo ang napanood sa kanyang show na Wowowin.
Nagbigay ng update si Willie sa mga nasalanta ng bagyo nang makausap niya si Montalban, Rizal Mayor Dennis Hernandez at si Mayor Marcy Teodoro ng Marikina. Sa kanyang show din ay inihayag niya ang paghahangad na tumulong sa abot ng kanyang makakaya.
Ibinenta ng Wowowin host ang kanyang kotse sa halagang P7 million na ginamit niyang pagtulong sa dalawang bayan na nasalanta ng bagyo.
“Bale ho P7 million, dadagdagan ko ho yun ng kaunting naipon ko. Magbibigay po ako sa Montalban ng P5 million at another P5 million po sa Marikina. Aanhin ko ho yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap?
“Kahit magbenta pa ako ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time,” say ni Willie.
Gusto lang linawin ni Willie na ipinaabot niya ang kanyang personal na tulong hindi para magyabang kundi para magkaroon ng accountability sa mga tao na dapat talaga makatanggap ng kanyang tulong.
“Kaya ko `to sinasabi ho dahil ito yung totoong nararamdaman ko. Sabi nila bakit kailangan ko pang ipakita sa TV o ano. Kailangan ko hong malaman n`yo para malaman ng mga kababayan n`yo na may perang inilaan para sa inyo at yun po ay para sa inyo.
“Nandito po kami, nandito po ako. Hindi ko kailangan ng posisyon. Kailangan ko ho ng pagmamahal para sa inyo. Ipagdasal n`yo lang ho ako na sana tumagal pa ang programang ito para mas marami po kaming matulungan.”