Advertisers
Ni BKC
SA pamamagitan ng kanyang gaming livestream nitong Linggo ng gabi, nakalikom ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ng pera upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Tinatayang umabot sa mahigit P200,000 ang naipon ni Alden mula sa mga nag-donate ng “stars” sa naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars na may katumbas na halaga ay ido-donate niya para sa mga biktima ng bagyo.
Sa kanyang Twitter account, taos-pusong nagpasalamat ang Kapuso star sa mga sumali at nag-abot ng tulong: “Maraming salamat sa lahat ng nag donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe.”
Samantala, nakaabang na rin ang fans ni Alden sa kanyang anniversary concert sa darating na December 8 — ang ‘Alden’s Reality.’ Almost sold out na ang tickets para rito kaya bisitahin na agad ang www.gmanetwork.com/synergy para alamin kung papaano maging parte ng kauna-unahang virtual reality concert sa bansa!
***
Rocco Nacino naghatid ng tulong sa Rizal kasama ang Philippine Navy at Philippine Marine Corps
Nakiisa ang Kapuso actor at navy reservist na si Rocco Nacino sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Dela Costa 5, Rodriguez, Rizal noong Linggo, November 15.
Inilunsad ng team S.T.A.R.S. ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps ang relief operation kung saan halos 2,000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essentials tulad ng damit na idinonate ng BCMC Class 01-20 Batch Dakila.
Samantala, dumulog din si Rocco sa social media upang makalikom ng donasyon para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
Post niya sa Instagram, “Sa mga Kapusong handang tumulong, nandito muli ang @gmakapusofoundationph para iparating ang tulong ng taong may gintong puso para sa mga nasalanta ang kabuhayan, tirahan at mga naulilang mahal sa buhay. Kaisa ang GMA Kapuso Foundation sa pagabot ng tulong sa marami nating naapektuhang kababayan. Maraming Salamat, mga Kapuso! We can do this.”
Para sa mga nais mag-donate, bisitahin lang ang: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate
***
AiAi Delas Alas namigay ng relief goods sa Marikina
Isa ang The Clash judge na si Ai Ai Delas Alas sa mga artistang personal na naghatid ng tulong at inspirasyon sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Sa kanyang Instagram post, ipinakita ng Comedy Concert Queen ang kanilang relief operation sa Marikina.
“Hindi natutulog ang Panginoon. Salamat sa aking choreographer ng ilang taon na tinulungan kaming ipamahagi ang blessings ni Lord, Ron Sto. Domingo, [at] sa kanyang kapatid at asawa, Marlon and Ruby Gamboa na pinagamit ang house nila para sa relief goods, at syempre pa si Kapitan Ziffref Ancheta at kanyang mga tao. #fighting #kayanatento,” ani Ai Ai sa caption.
***
David Licauco ido-donate ang kita ng online business sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses
Kabilang ang Kapuso actor na si David Licauco sa celebrities na nagpaabot ng tulong sa mga residenteng higit na nasalanta ng hagupit ng Typhoon Ulysses.
Gamit ang kanyang online business na As Nature Intended, nangako siyang ido-donate ang buong kinita nito mula Nobyembre 14 hanggang 15 para sa relief efforts.
Inanunsyo ito ni David sa kanyang Instagram account at inengganyo rin ang mga netizen na tumulong sa kanilang sariling paraan, “We pledge 100% of our profit this weekend to those affected by Typhoon Ulysses. Our brothers and sisters need our help now more than ever. We believe that a little help goes a long way.”
Samantala, nananatiling bukas ang ang GMA Kapuso Foundation sa mga nais magbigay ng tulong sa mga kababayan nating apektado ng mga nagdaang bagyo. Para sa mga donasyon, bisitahin lamang ang: https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate