Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TRUE kaya ang bulung-bulungan na hiwalay na ang magkasintahang Andrea Torres at Derek Ramsay?Ayon sa mga sitsit, matindi raw ang naging away nina Derek at Andrea na dahilan ng break-up ng dalawa.
First week of November ay nakapag-post pa ng pics ang couple na magkasama.
Takang-taka naman ang AndRek vlog followers dahil in-unfollow na nga raw ni Andrea si Derek.
Kaya naman ang mga larawan na magkasama ang dalawa sa kanilang social media ay burado na.
Yun ang naging basehan ng mga sitsitera na hiwalay na ang dalawa.
Taon din ang inabot ng relasyon ng dalawa na maraming netizens ang nanghihinayang na ang akala ay si Andrea na ang ihaharap sa dambana ni Derek.
Naku, nakakatatlong hiwalay na si Derek sa kanyang mga gf kung iisipin– una, kay Angelica Panganiban, Joanne Villablanca at recently lang ay si Andrea na pumutok na hiwalay na kay Derek.
Till now, kapwa tahimik pa ang bawa’t panig regarding sa nagkalat na isyung hiwalay na sila.
***
Yassi Pressman ‘di nakaligtas kay Ulyssses
KAHIT naman ang bahay sa Rizal ni Yassi Pressman na di ‘tinukoy kung sang banda sa nasabing lalawigan ay naapektuhan din nang malalim na baha.
Nag-post pa ito nung Nobyembre 15 sa kanyang socmedia account at ipinakita ang bahay ni Yassi na naapektuhan din at sinalanta ng bagyo.
Nasa Batangas naman si Yassi nang manalasa ang nasabing bagyo kaya ganun na lang ang pag-aalala nito sa bahay sa Rizal.
At nanglumo ito nang makita na nagmistulang dagat ang kanilang bahay sa Rizal.
Nag-thank you si Yassi sa mga kasamahan sa bahay at kapitbahay na tumulong na maisalba ang kanilang mga gamit.
Kung wala nga raw siyang naiwanan na kasama sa bahay ay tiyak daw na halos lahat ng kanyang gamit ay hindi na mapakinabangan at itatapon na lang dahil sa malaking baha after ay grabeng putik
Nagpasalamat na rin si Yassi at ligtas ang kanyang mga kasama sa bahay bukod sa kanilang gamit.
Well, well, well…’Yun na!