Advertisers

Advertisers

2 motornappers tigok sa barilan sa Laguna

0 303

Advertisers

LAGUNA – Todas ang dalawang motornapper nang “manlaban” sa mga tumutugis na operatiba ng Calauan PNP, Regional Highway Patrol Group (HPG4A) at 1st Laguna Police Mobile Force Company (1st LPMFC), habang isang pulis ang sugatan sa barilan sa Barangay Balayhangin, Calauan, Miyerkules ng madaling araw.
Sa ulat ni PMaj. Marc Julius Rebanal, hepe ng pulisya, 3:05 ng madaling araw nang maganap ang insidente matapos holdapin ng hindi pa nakikilalang mga napatay ang isang Crisanto de los Santos ng Bgy. Bitin, Bay, Laguna sa bahagi ng Bgy. Lamot 2 at tinangay ang kanyang cellfone at motorsiklo.
Sa follow up operation nina Rebanal, miyembro ng HPG4A, at Laguna HPT sa pamumuno ni Capt. Charlie Reyes, natunton ang mga motornapper at nagkaroon ng palitan ng putok. Nasawi ang dalawang masasamang-loob at nasugatan ang isang operatiba na si SSG Diosdado Casupang, Jr. na nagtamo ng tama ng bala sa bukong-bukong.
Kaugnay nito, nakatakdang pagkalooban ng medalyang parangal ni Calabarzon PNP Regional Director PBGen. Felipe Natividad si Casupang dahil sa ipinamalas nitong katapangan.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 at kalibre 38 baril na gamit ng mga motornappers, Rusi na motorsiklo na kulay blue ( 041-524647) na pag-aari ng biktima, MIO na motorsiklo na kulay puti na walang plaka at mga basyo ng iba’t ibang kalibre ng baril. (DICK GARAY)