Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS pumiyok ni Angel Locsin sa body-shaming na ginawa sa kanya ng isang guro na tinawag siyang ‘obese’ sa viral module nito, nakakuha naman ng kakampi ang aktres sa katauhan ng dating presidential sister na si Kris Aquino.
Bagama’t nag-isyu na ng pahayag ang DepEd na hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng body shaming at bullying sa social media, pinanindigan naman ni Angel na dapat na humingi ng paumanhin ang nasabing guro sa kanyang mga estudyante.
Para naman kay Kris, dapat ituwid ng naturang ahensiya ang pagkakamali ng isa sa mga nasasakupan nito.
” I understand mahirap ang trabaho ng mga guro at kadalasan hindi sapat ang sweldo… pero ang budget ng DepEd ay galing sa mga Pilipino, mga nagtatrabaho at nagbabayad ng buwis ang nagbibigay pondo para sa DepEd, in other words- lahat tayo stakeholders dito… kaya may mali kung isang likas na matulungin sa kapwa ang “paglalaruan” in the guise of “pagtuturo”… yes, we live in a democracy and that teacher has the right to exercise the same rights all of us have, the right to free speech… but in this instance- the person in authority (the teacher) is playing a significant role in shaping the values and character of his/her students… in the statement humihingi to spare the said individual from “attacks” – eh sino ba ang nagbanggit ng pangalan?
“Kanino ba nanggaling ang pailalim na banat? nasa TAMA si Gel na ipaglaban ang dignidad nya… sir/ma’am- kung ma memersonal po – open naman ang comments ni Angel sa IG & Twitter nya. Kahit hindi po kagandahan ang opinion tungkol sa kanya, at least sa mas angkop na “forum” in-express. @therealangellocsin kagaya ng paulit ulit kong sinasabi sa yo, hanga ako sa tatag at tapang mo. Isang sobrang higpit na yakap galing sa ate mong nagmamahal,” sey ni Kris.