Advertisers

Advertisers

DOH: Milk donations sa mga evacuations bawal

0 244

Advertisers

MAHIGPIT na ipinapatupad ang milk code sa loob ng evacuation centers.
Ito ang paalala ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum.
Sinabi ni Vergeire, na bawal ang pamamahagi o pagtanggap ng milk donations, commercial baby food at bottles para sa mga bata na nasa edad 2-taon gulang pababa.
Ipinagbabawal din ang paggamit ng pacifiers at tsupon.
Paalala ng opisyal na mas mainam pa rin ang breastfeeding para sa mga babies dahil ito ay mahalaga lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ginawa ni Vergeire ang paalala dahil may mga evacuess sa mga evacuation centers na mga sanggol na nangangailangan ng gatas kaya mahigpit na ipinagbabawal ang milk donations. (Jocelyn Domenden)