Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MAY isang indie band na mula sa Nueva Ecija na tinatawag na Artikulo Kwatro. Ito ay binubuo nina Raphael ‘El’ Mallari (vocals), Rogie Navarro (guitar), Shaik Jacamille (lead guitar), Eliezer Bombita (bass guitar), Raul Sales III (keyboards) at Joffrey Gayla/ James Ian Dato (drums).
Ang aktor na si Rommel Padilla at bokalista ng grupo na si Raphael or El, ang nagma-manage ng banda.
Bahagi ng vision nila ay makapag-travel sa buong bansa at magbigay ng inspirasyon sa ibang amateur at indie artists.
“We want to showcase patriotism on our own music. Here are some of our originals available on Spotify and Youtube, ready for streaming, A Coffee Story, Inspirado, Kuntento, and Bumitaw.
“We want to ignite the passion in artistry because we know that it will be a good way for communication with other people who have trouble expressing themselves through words alone. That’s why we make events, so that other people can see what artists can do and hope that they can support them to pursue their passion.”
Ipinahayag din ni El ang pagkabilib niya sa kanilang manager.
“Actually, si tatay Rommel, isang mabuting tao. Siya yung tao na hindi mo akalain na batikan o sikat na aktor… doon kami bumilib sa kanya dahil sobrang down to earth, magaling makisama, mahusay na leader ang kapwa Novo Ecijano namin na si tatay Omeng. Nagkakilala lang kami thru social media. Nag-chat ako sa kanya at sinend ko ang aming kanta.
“He invited us sa Padilla residence sa Nueva Ecija. Ipinakilala kami sa pinsan niya and nag-jam kami. Si tatay Rommel ay isang bahista. Musikero siya talaga noong panahon niya at yun yung namana ni Daniel Padilla. Bahista rin si Daniel sa banda ng kuya niya before.
“Then ayun, siya mismo ang nag-toast para sa kapanganakan ng Artikulo Kwatro. Na ang ibig sabihin ay paa sa lupa, mata sa langit na kahit anong mangyari at marating lagi namin titingnan at iisipin kung saan kami nanggaling at nagsimula.”
Aniya pa, “Si tatay Rommel, hindi siya yung usual na manager o road manager namin. Siya lang ang sumusuporta sa amin. Kasi gusto niya na ikaw mismo o kami mismo sa sarili namin ang magpapatunay na kaya namin. Walang backer, kaya siya ang tagasuporta at push sa amin. Overall, ako pa rin po ang tumatayong front ng band and manager.”
Nabanggit din ni El ang klase ng kanilang musika.
Wika niya, “Ang music namin is alternative rock po. Usually mga nae-experience ko as a composer yung mga isinusulat ko. Depende sa emotions ko o naging emotion ko that day. Usually, ang mga isinusulat namin na song po yung mga swak sa mga kabataan, sila ang target audience namin. Karamihan sa kanila kasi broken hearted o may mga crush.”
Plano ba nilang magkaroon ng album sa hinaharap?
Tugon ni El, “Yes. Hoping in the near future mailabas namin ito sa isang label na tatanggapin kami ng buo as Kapamilya o Kapuso o kung ano man. Diyos naman po ang gumagawa ng paraan kung para sa amin talaga iyon.”