Advertisers

Advertisers

Senado tinapyasan ang P109-B budget ng DOTr sa 2021

0 248

Advertisers

BINAWASAN ng Senado ang panukalang budget ng Department of Transportation (DOTr) sa susunod na taon.
Sa isinagawang budget deliberations nitong Martes, Nobyembre 17, sinabi ni Sen. Grace Poe na P145 billion ang orihinal na budget allocation ng DOTr sa national expenditure program ngunit napagdesisyunan ng House of Representatives na babaan ito ng hanggang P125 billion.
Pinanigan naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang ginawang ito ng mga mambabatas. Kung pagbabasehan daw kasi ang naging spending patter ng nasabing ahensya noong mga nagdaang taon ay mas makabubuti na lamang na bawasan ito.
Noong 2016 aniya ay binigyan ang DOTr ng P74.9 billion pero P26 billion lamang ang nagamit. Sa P57 billion budget naman nito noong 2017 ay P12.9 billion lamang ang nabawas.
Ayon pa sa senador, noong 2018 ay may budget na P51.5 billion ang DOTr ngunit P9.4 billion lamang ang ginastos niyo at noong 2019 naman ay P10.5 billion lang ang nabawas mula sa P54 billion budget na nakuha nito.
Sa kabuuan ay aabot ng P330 billion ang binigay na budget ng pamahalaan para sa DOTr ngunit tinatayang nasa P75 billion lamang ang ginasta nito.
Papalo umano ng P250 billion ang nasayang na appropriation kung ginamit na lang daw sana ito sa ibang bagay. (Mylene Alfonso)