Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA kabila na usapan o hot topic pa rin sa showbizlandia at social media ang hiwalayang Andrea Torres at Derek Ramsay, magkasama naman ang dalawa sa 2020 Christmas Station ID ng GMA.
Tahimik pa si Andrea sa isyung wala na sila ni Derek.
May mga netizen naman na ayaw tigilan ng pamba-bash si Derek.
Halos lahat daw ng mga babaeng nali-link dito ay nadadala ng kanyang kamandag.
Dagdag tsika pa na baka raw walang balak pakasal si Derek kaya may isang basher na napa- komento na ‘Tapos na kasi ang tikiman.’
Tila gustong tumbukin ng basher ay ‘yun ang naging ugat ng kanilang hiwalayan ng gf.
Hindi naman pinalagpas ni Derek ang basher at agad itong binara. Maikling banat pero tumatagos daw sa buto.
Isang ‘Bastos!’ naman ang sagot ni Derek sa basher na nagkomento ng hindi kaaya-aya.
Sa mga pahayag ni Derek ay tila wala na nga sila ng aktres pero hinihintay na magsalita pa ang sexy actress at huwag nang manahimik sa isyung hiwalay na sila ng aktor.
Dun pa lang daw magkakaroon ng linaw kapag binasag ni Andrea ang kanyang katahimikan sa tunay na dahilan ng kanilang split-up ng bf.
***
Heart may libreng data pa sa pamumudmod ng tablets
BUWAN ng Hulyo nang magsimula ang fashion icon na si Heart Evangelista ng mga tablet para sa mga mag-aaral.
Dahil sa pandemya ay umiral na rin ang class distancing na sa pamamagitan ng tablet eh makapagpapatuloy ang mga estudyante tru online classes.
Nagbigay na nga si Heart ng first batch ng tablets sa mga mag-aaral.
Ang bagong 500 tablets na ibibigay nito sa mga student ay para naman sa second batch na mapapalad na mabibigyan.
Kung dati ay papalodan pa para magka-data at maka-access sa internet, ngayon ay libre na. Yes, ‘di nga lang tablets ang ibibigay ng esmi ni Chiz Escudero at para madali maka-access sa internet na kailangan ng mga mag-aaral para sa kanilang online class.
Bonggacious! Well, well, well…’Yun na!