Advertisers
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon para sa Pilipinas na gumawa ng mga kasunduan sa pag-supply ng maaga at magbigay ng maagang pagbabayad sa mga gumagawa ng bakuna sa COVID-19.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque ginawa ng Pangulo ang desisyon base sa rekomendasyon ng National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr..
Matatandaang una nang nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Duterte sa advance payment scheme ng mga Western pharmaceutical companies.
Sinabi ni Roque, nagbago ang isip ni Pangulong Duterte nang mabatid nito ang iba pang mga bansang handa ring magbigay ng advance payment.
Pahayag pa ni Roque, hindi umano papayag si Pangulong Duterte na mahuli ang Pilipinas sa pagsi-secure ng bakuna laban sa COVID-19.
Samantala, inianunyo rin ni Roque na “approved in principle” na ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) para sa Emergency Use Authority (EAU) ng COVID-19 vaccines na siya namang magpapabilis sa proseso ng pag-apruba dito para magamit na sa bansa.
Ayon kay Sec. Roque, hintayin na lamang ang kautusang ilalabas ng Malakanyang kaugnay dito. (Vanz Fernandez)