Advertisers

Advertisers

Kahit apektado ang negosyo… Daniel namahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo

0 234

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

IPINAKITA ng Teen King na si Daniel Padilla na hindi lamang siya isang heartthrob at magaling na aktor kundi isang Good Samaritan na may puso para sa mga nangangailangan.

Kamakailan lang umani siya ng mga papuri sa netizens dahil sa kanyang efforts na tulungan ang mga pamilyang nasalanta ng bagyong Ulysses.



Sa mga litratong kumalat sa social media, kitang-kita ang kanyang malasakit habang naghahanda sa pamamahagi ng relief goods.

Marami rin ang bumilib sa aktor sa pagbisita niya mismo at pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kahit apektado rin ng pandemya ang kanyang negosyo, hindi ito naging hadlang para maipamalas niya ang pagiging bukas-palad.