Advertisers
BAGO na ang Regional Director ng PNP CALABARZON. Siya ay si PBG Felipe R. Natividad. Mula sa PNP Region 4-A nalipat naman nito lamang Nobyembre 10, 2020 bilang pinuno si PBG Vicente D. Danao Jr. sa PNP National Capital Regional Office (NCRPO), isang promosyon para sa 53-anyos DDS na heneral. Mas lumawak ang kanyang hurisdiskyon.
Lalong dumami at lumaki ang suliranin sa kalagayang pangkapayaan at seguridad ang haharapin ni General Danao Jr. Sa kabilang banda ,kumbaga sa mga pastol, “lumawak naman , lalong sumariwa ang damo sa kanyang pastulan at mas maayos ang tabakuhan” ni Heneral Danao Jr.
Napakaraming hindi natapos na gawain si Danao Jr., kulang ang kanyang panahong inilagi sa rehiyong kinabibibilangan ng mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, upang ganap nitong malipol ang ilan pang malalaking sindikatong sangkot doon sa kalakalan ng droga, gun for hire, kidnap for ransom at iligal na sugal.
Kaya ang naiwang responsibilidad ni General Danao Jr., ay kay General Natividad namang balikat napaatang. Sa unang pagsalang nito bilang regional director, malaki ang inaasam para kanya ng PNP hierarchy.
Nangunguna sa listahan na dapat na lupigin ni Natividad na naging Special Assistant to DILG Sec. Eduardo Año, ay ang paglansag sa grupo ng mga bayarang mamamatay tao na ang pinamumunuan ng Tisoy / Idol / Flores Gun for hire and Kidnap Group ng bayan ng Padre Garcia, Batangas.
Ang natrurang grupo ang nagpapatakbo din ng malawakang bentahan ng shabu sa nasabing bayan at mga kanugnog nitong munisipalidad sa 4th District ng lalawigan hangggang sa 6th lone congressional district ng Lipa City.
Para sa dating Bohol Provincial Director, malaking hamon sa kanya ang pagsupil sa operasyon ng Small Lottery bookies/ jueteng na pinatatakbo ng lider ng naturang sindikato na isang alias Kap Tisoy at alias Kap Idol. Tulad din ng droga ang jueteng ang siyang pinagkukunan ng pondo ng grupo para sa pagpapatay ng mga kalaban sa pulitika ng kanilang amo na ex-municipal mayor.
Gamit na rebisahan ng taya sa STL bookies / jueteng nina alias Kap Tisoy at Kap Idol, ang Brgy. Sambat ng nasabi ring bayan.
Kilalang alagad nina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol sina Rocafort at isang pulis na alias Agaran na kapwa nagpaparebisa ng kubransa ng STL bookies/ jueteng sa Brgy. Maugat West sa bayan din ng Padre Garcia, sa halip na iremit ang taya sa PCSO offices.
Ang mga hitman naman at tagapagbiyahe ng shabu nina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol ay ang tubong Quezon Province na magkakapatid na Flores.
Dapat malaman ni General Natividad na marami nang naging Provincial director sa Batangas ang nabigong lansagin ang Tisoy/ Idol / Flores Gun for hire and Kidnap Group pagkat malaki ang lingguhang “parating” ng nabanggit na sindikato sa ilang mga nakaraang PNP directors sa Batangas.
Pinagtatakpan ng mga naturang PNP top-ranking offcials sina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol kapalit ng may mahigit sa Php 1 milyong suhol na tinatanggap ng mga ito sa nabanggit na grupong sindikato bilang protection money.
Umaabot sa Php 800,000 ang linguhang lagay para sa ilang dating PNP provincial directors mula sa operasyon ng droga at STL bookies / jueteng; Php 200,000 sa paihi, buriki, patulo at pasingaw; Php 200,000 sa mga pwesto pijo o permanenteng saklaan, madjungan at iba pang uri ng card games at Php 50,000 naman mula sa saklang patay.
Sa kabuuan, di kukulangain sa mahigit sa Php 1.2 milyon ang weekly protection money ang tinatanggap ng ilang mga naunang police directors mula kina alias Kap Tisoy at alias Kap Idol para di mabulabog ang salot na operasyon ng Tisoy/ Idol/ Flores Syndicate.
Bukod pa rito. iniuulat din na may malaking intelhencia na tinatatanggap mula sa naturang sindikato ang ilang opisyales ng Criminal Investigation Group (CIDG).
Sa bayan ng Nasugbu ay kailangang supilin din ni General Natividad ang Willy Bokbok drug/gun for hire and high-jacking Gang na responsable sa mga serye ng pagpatay at pangloloob sa driver at pahinante ng mga cargo truck at petroleum tanker.
Responsable din ang mga ito sa panghaharang at pagtangay ng mga sasakyan ng mga inosenteng motorista sa First Distrcict ng nasabing lalawigan.
Unang kailangang paralisahin ni General Natividad ang pinatatakbong jueteng/STL bookies operation at bentahan ng shabu ng lider ng gang na si alias Willy Bokbok upang di magamit ang pondo sa pagbili ng matataas na kalibreng baril ng nasabing sindikato.
Bigyan prayoridad din dapat ni General Natividad ang pag-aresto at pagpapakulong sa mga operator ng e-sabong o sabong online na idineklara na ng Malacañang, DILG at PNP na bawal ang operasyon.
Nagkukuta sa Sta Cruz , Laguna, ang mga nagpapatakbo ng iligal na online -pasabong gamit ang pangalan nina gambling expert Atong Ang, Benitez at Bernos.
Hindi rin nakanti ni Danao Jr., ang operasyon ng sabong online sa Batangas nina alias Salazar, Alday, De Veyra, Lat, Armigo, Ablao,Lani, at Montalbo.
Kung walang natatanggap na intelhencia mula sa nabanggit na sindikato sina General Danao at Batangas PNP PD, Col. Rex Arvin Malimban, ay malamang na nabukulan ang mga ito ng ilan nilang trusted na PNP officers? May karugtong…
BAND-AID AT SUNTOK SA BUWAN NA IMBESTIGASYON
MGA lubog na balita: IMBESTIGASYONG GAGAWIN NG KAMARA SA MASSIVE FLOODING, MINALIIT! Korek. PAGPAPASARA SA REGION 2, IGINIIT!
Tama si KMP President Danilo Ramos. (daig pa nito si Presidente sa matinong pag-iisip). Dapat nga naman kumprehensibong imbestigasyon ang gawin. Hindi band -aid lang ang solusyon, para masabi lang na may pag-iimbestigang gagawin.
Korek yan,di sugat na maliiit yan para tapalan ng band aid lang. Bakit ang Magat Dam lang ang iimbestigahan? Di kasali ang mining at illegal logging?
Dito pa lang makikita na natin na nagtatakipan ang mga sangkot sa mining at logging na mga taga-Kamara. Moro-moro na naman yan.
Ang pagpapakawala ng tubig sa dam, ay kung kailangan na talaga. Kesa bumigay ng todo ang dam lalong malaking pagbaha.
Pero ang pagkakalbo at pagbungkal sa kabundukan ay di dapat pinapayagan ng mga opisyal na mga patay-gutom sa pera. Suntok sa buwan ang imbestigasyon. (Juan po).
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.