Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SA simula pa lang ng journey ng newbie actor na si Sean de Guzman sa pagbibidahang pelikulang Anak ng Macho Dancer, alam niyang malaking hamon sa kanyang kakayahan ang naturang proyekto.
Ipinahayag ni Sean na pinanood at nagandahan siya sa pelikulang Macho Dancer na pinagbidahan ni Allan Paule. Pero at the same time, tila na-shock din siya sa ilang eksena rito.
Lahad ng guwapitong 20-year-old actor, “Pinanood ko siya. Sobrang ganda po pala talaga niyon. Kaya pala pinag-usapan dati.
Ano ang kanyang impression after mapanood ang movie?
Wika ni Sean, “Iyong unang scene po kasi, lalaki sa lalaki po agad. Si Sir Allan, saka ‘yung foreigner. Kaya sabi ko, ‘If ever na ako ay ganoon, may ganito ba?’ Kasi, pawisan sila, tapos naghahalikan. Nakakakilabot po, actually.”
Hindi diretsang sinagot ni Sean kung gaano siya ka-daring sa movie at kung nagpasilip ba siya rito ng kanyang private parts. Ang tiniyak niya, daring siya sa pelikulang ito.
“Basta panoorin na lang po ng mga tao ‘yung movie para malaman nila,” matipid na sagot pa niya.
Ano ang masasabi niya sa kanilang producer na si Joed Serrano? “Si Sir Joed po, sobrang bait, sobrang maalaga sa aming mga artista, sa mga staff, sa lahat po, sa production… All out talaga ang lahat ng bigay niya.”
Si Sean ay member ng Clique V na nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management na pag-aari ni Ms. Len Carillo. Ipinahayag ng actor na sobra ang katuwaan ni Ms. Len nang masungkit niya ang title role ng pelikula.
“Noong una po, chinat ko siya, eh. sabi ko, ‘Nay good news… sa sobrang tuwa niya, nag-video call siya. Teary-eyed siya, sobrang tuwa po ni nanay,” masayang saad ni Sean.
Nabanggit din ni Sean na agree si Allan na hawig na hawig niya si Sean noong kanyang kabataan. Binigyan din daw siya ng payo ng veteran actor.
“Sabi po niya, ‘Just be yourself’. Kalimutan ko raw ‘yung mga workshop na nandoon ako. Kailangan sarili mo lang daw talaga, kumbaga, ‘yung tutulong sa iyo.”
Ang pelikulang Anak ng Macho Dancer ay pinamahalaan ni direk Joel Lamangan. Ito’y mula sa The Godfather Productions ni Joed, business consultant dito si Grace ibuna, supervising producer si Jobert Sucaldito, at line producer naman si Dennis Evangelista.
Tampok din sa pelikula sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.