Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
AFTER magkamit ng awards ang mother and son na sina Sylvia Sanchez (Gawad Pasado Pinakapasadong Aktres sa Teleserye) at Arjo Atayde na kasama naman sa National winners sa Best Actors sa Asian Academy Creative Awards, na kinabibilangan ng pitong mahuhusay na actors sa buong Asya.
Matapos ang walong buwang pag-aantay ay bibida sina Sylvia at Arjo sa first new episode ng MMK29 hosted by Ms. Charo Santos, na mapapanood ngayong Sabado, Nov.28. Tunghayan ang kwento ng ordinaryong pangarap at pag-asa ng isang ina, na gagampanan ni Sylvia para sa kanyang mga anak na sina Arjo, Hero Angeles at Aldrin Angeles. Sa teaser pa lang ay kailangan habang pinapanood niyo ito ay may hawak kayong panyo at babaha ng luha sa episode na ito na puno ng inspirasyon.
Kasama rin sa cast si Jane de Leon at mula ito sa direksyon ni Dado C. Lumibao. Muli ay ipakikita ni Arjo ang husay at galing sa pag-arte sa episode na ito ng Maalala Mo Kaya. Ilang beses na ring pinatunayan ni Sylvia ang tatak niya bilang isa sa pinakamahuhusay nating actress sa industriya ng telebisyon at pelikula.
Samantala, recently lang ay pormal nang binuksan ang bagong branch ng Beautederm Store ni Sylvia sa SM North Edsa Main Bldg at nasa Lower Grand Level sila ng said mall.
Sinuportahan si Ibyang (tawag namin sa actress) sa kanilang opening ng mga anak na sina Arjo at Ria Atayde at ng ilang kaibigan.
***
JC Garcia At Kompanya, May Pa-Charity Sa Mga Bata Sa San Francisco Tuwing Pasko
Kaya blessed with many blessings including his health ang kilalang recording artist-dancer sa San Francisco, California na si JC Garcia kasi marunong siyang mag-share ng blessings hindi lang sa kanyang pamilya, kaanak, kaibigan kundi every Christmas ay may pa charity ang company Security Public Storage na matagal nang manager si JC.
Para sa mga bata, project nilang ito na 23 years na at tinawag nilang “TOY FOR TOTS.” At successful naman sina JC dahil marami talagang nagdo-donate ng laruan sa kanila na minsan ay bagong toys ang ibinibigay at kahon-kahon pa.
“On Behalf of Security Public Storage, me and my co-Manager Ines would like to thank our loyal tenants who donated these beautiful toys today! Every year, our tenants, our 95% toys donor for kids. Right now two extra large box are full of toys already not including the one on the floor.
“We never solicit toys donation outside Security Public Storage but they are welcome to donate but here in my store 95% of the toys donation came from our very own tenants because they love us and they are happy with us! Thank you all SPS tenants. We love you all, pasasalamat pa ni JC sa support ng mga ito with matching tatlong hearts emoticon.
By the way, nagagawang ikutin ni JC ang iba’t ibang parte ng Sanfo gamit ang kanyang bagong biling new model na Mercedes Benz E-500 at Chrysler Pacifica Touring. Ilan sa mga pinuntahan ng singer ay ang downtown ng Los Angeles, California na madalas niyang pasyalan noon at ang Venice Beach na pinag-shootingan ng hit Hollywood series na “BAYWATCH.”