Advertisers

Advertisers

Dahil sa pandemya… Kathryn inulit ang mga X-mas decor sa bahay; John Lloyd type tuhugin ang 2 proyekto kasama si Bea

0 239

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HALOS tatlong taon ding hindi nasilayan ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz na umaarte sa harap ng kamera.

Minsan na nga siyang namataan na nakipag- meeting sa ehekutibo ng Brightlight Productions para pumirma ng kontrata na may ilang programa na nag-blocktime sa TV 5.



Sure na ang paglabas ni John Lloyd sa telebisyon.

Isang family sitcom  ang naghihintay sa pagbabalik-TV ni John Lloyd.

Ang perennial leading lady nito na si Bea Alonzo ang napipisil ni John Lloyd na makasama sa proyekto ng aktor.

Ngayong December 2020 naman ay gustong ratsadahin at tuhugin ni Lloydie ang dalawa nitong project.

Bukod kasi sa family sitcom ay may pelikula rin itong gagawin.



Gusto ng aktor na itong papasok na buwan ng Disyembre ay maglagare na ito na tila na-miss na  ang pag-arte.

Sa kabila na may anunsiyo na si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng dalawang hit movies nina John Lloyd at Bea, sinasabi na hold na ang reunion movie sana nila.

Lalo na nga raw at tumanggi si Bea na mag-work habang may pandemya pa.

Pero umaasa ang fans nila na matuloy na this time ang pagsasama nina Basha at Popoy.

***

HINDI na gumastos pa nang malaki si Kathryn Bernardo para sa kanilang Christmas home decors.

Dahil hindi na mapipigil ang pagdating ng Pasko kaya nagsimula na nga mag-decor ang batang aktres para may spirit of Christmas na sa kanilang house.

Katunayan ay nagpatawag pa ito ng stylist para lang sa pagde-decor o pag-recycle ng dating Christmas tree nina Kathryn.

Mas naging bongga naman ang binagong lumang Christmas tree nina Kathryn sa bahay.

Sa pagpasok naman sa bahay ng dyowaer ni Daniel Padilla sa kabila ng pandemya ay feel pa rin na malapit na ngang dumating ang Kapaskuhan at wala nang makapipigil pa.

Well, well, well…’Yun na!