Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS matsismis noon sa isa’t isa, tila ayaw pa ring paawat nina Gretchen Barretto at ng businessman na si Atong Ang.
Bagama’t nilinaw nila noon na business partners lang sila, maraming kibitzers pa rin ang nagdududa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Muli na naman kasi silang gumawa ng ilaw pagkatapos na maiulat na magkasama sa isang resort sa Iloilo.
Dagdag pa rito, kontrobersyal na naman ang dalawa dahil gusto silang pakasuhan.
Lumabag daw kasi sila sa rules ng Interagency Task Force ng Covid-19 dahil nang pumunta sila ng Janiuay, Iloilo ay pinagkaguluhan sila ng mga tao na violation ng social distancing.
Naroon daw kasi si Gretchen dahil gusto ng business associate at close friend umano nitong si Atong na mag-invest sa isang property na magiging venue ng online cockfighting derby sa Panay.
Ayon pa sa Brigada News FM Kalibo, wala raw koordinasyon sa LGU ng Janiuay ang sorpresang pagbisita ng dalawa.
Sa kaso naman ng dalawa, kinumpirma ni Janiuay Mayor Bienvenido Margarico na nag-courtesy call ang dalawa at nangako siyang hindi na muling mangyayari ang komosyong nilikha ng pagbisita nina Greta at Atong.