Advertisers

Advertisers

Higit 890k pamilya na ang apektado ng Bagyong Ulysses

0 263

Advertisers

PUMALO na sa 891,475 mula sa 8 rehiyon sa Luzon ang mga pamilyang apektado ng bagyong Ulysses.
Ang naitalang bilang ay mas tumaas sa dating 835,599 na mga pamilya na nai-report nitong Huwebes, Nobyembre 19.
Sa pinakahuling tala ng National Risk Reduction anfd Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng nasa 3,672,521 na mga indibidwal sa 6,169 na mga barangay sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala nasa P4.2-B ang naitalang nasira sa agrikultura sa mga Rehiyon ng 1,2,3, CALABARZON, 5, CAR, at NCR.
Habang nasa P6-B naman ang naitalang pinsala sa imprastruktura sa mga Rehiyon ng 1, 2, 3, CALABARZON, 5, CAR, at NCR. (Josephine Patricio)