Advertisers
The police are not here to create disorder, they’re here to preserve disorder. — Former Chicago mayor Richard Daley
BIGYAN po muna natin ng puwang ang ating mga tagasubaybay para ilabas ang kanilang saloobin . . .
Text Message . . .
Sir Tracy, salamat muli sa paglalathala ninyo ng mga text ko. PO1 VELASCO at mga guard sa mall, pulis patong sa mga tirador (na) pickpocket at salisi, Normal na nilang giwain ‘yan. Walang bago d’yan. DILG AÑO? Aksyunan ‘yan? Hahahaha! Magugunaw ang mundo (ay) wala pang makapagpapatino sa kanila—kahit DILG maraming kapalpakan. Kahit sino pang GENERAL ang pagsumbungan (au) wala rin e mga patong din sa mga malalaking iligal. Tama ba? Pasensya na sir late ang text ko. ‘Di agad ako nakabili ng Police Files Tonite (kasi) malakas ang ulan at hangin, baka mahagip tayo ng lumilipad na yero. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818… November 12, 2020)
TEXT Message . . .
Mga mall sa Divisoria at sa Binondo, PO1 VELASCO, ilang taon ka pa lang sa serbisyo (ay) sobra(ng) talim mo na, mga guard sa mall (ay) patong sa pickpocket at salisi, lalo na iyong tomboy liit sa 168, namamayagpag, lahat sila patong, wala silang pinalalagpas, police sumasahod ka naman sa gobyerno, kayong mga guard sumasahod kayo sa agency, sana po matulungan po kami ni Sir ANYO, salot sila ng lipunan. — Anonymous (09086564…, November 13, 2020)
* * *
MAHUSAY na komedyante pala si NCRPO ‘cheap’ DANAO. Sa mga police commander: Gawin ang tungkulin o sibak. Hahahahaha! Hapag sinerysoso at tinotoo mo ‘yan, Danao, 95 percent ang sisibakin mo. E (ang) tanong, sibak bas a tungkulin o ililipat ng puwesto? ‘Pag (nilipat) dun naman gagawa ng katarantaduhan. Kaya imposibleng magsitino pa kayo! E si Gen. AG-BAYAG-DE nga may cleansing ginawa sa kapulisan e may tumino ba? Ang nakakatawa, siya pala itong tarantadong heneral. Ayun, kinasuhan kuno—pero naglahong parang bula. Nakulong ba? Ikaw ba, Gen. Danao, laban ka sa pugutan ng ulo na hindi mo mapapatino, malilinis ang hanay ninyo? Si Gen. SARDINAS, ano (ang) say mo sa party niya? Wala ka rin makitang mali sa ginawa niya? Hahahaha! Hangga’t may mga iligal na namamayagpag (ay) may mga pulis na walanghiya, ‘di ba? Taga mo ‘yan kay BATO! Juan po. — Juan ng Tondo (09094818… November 19, 2020)
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!