Advertisers
KASADO na ang lahat para sa natak-dang laban ng mga boksingero sa Lungsod ng Heneral Santos ngayong araw, Nobyembre 21.
Sa eksklusibong panayam kay Jim Claude Mananquil, promoter ng Sanman Promotions, kanyang inihayag na limang bout ang masasaksihan ng fans.
Pero kanyang nilinaw na dahil hindi pa tapos ang pandemic ay “virtual” lamang o walang audience sa loob ng venue.
Ang naturang laban ay kanilang tinawag na The Restart, ang kauna-unahang boxing event sa Pilipinas mula nang mangyari coronavirus outbreak.
Ayon kay Mananquil, mga local boxers ang kanyang kinuha na makalaban ng mga bosksingero mula sa Sanman Promotions dahil sa mahirap na sitwasyon.
Dagdag pa nito na kanilang sinunod ang lahat na mga inatas ng Games and Amusement Board para maiwasan ang deadly virus kung saan ang mga boksingero ay isinailalim sa quarantine at swab test bago ang laban.
Ang main event ay si Marlon “The Nightmare” Tapales vs Eden Sonsona para sa 10 round bout.
Ang makaka-face off ni Aston Palicte ay si Reymart Taday, habang si Joey Canoy ay si Jobab Lucas, Micheal Casama vs Vergel Deguma, at Dave Apolonario kontra Bonjon Loperes.