Advertisers

Advertisers

Nag-dive sa Pasig River, bangkay nang lumutang

0 228

Advertisers

PATAY na nang matagpuan ang 14-anyos dalagita nang mabingwit sa Ilog Pasig na katabi lamang ng Eurovilla Townhomes sa Lamayan St., Sta. Ana, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Sanica Bondoc, nakatira sa ND Balderama St, Bambang, Pasig City.
Sa ulat, naliligo sa Ilog Pasig si John Rolan Lanuza nang mapansin ang katawan ng tao na palutang-lutang sa lugar kaya agad na ipinagbigay- alam sa guwardiya ng Townhomes na si SG Eduardo Ganjena na noo’y nagsasagawa ng roving patrol at siyang nag-report sa kinauukulan.
Natiyempuhan naman ni Lanuza ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang kapatid at pinsan ng biktima na nagsasagawa ng search and rescue operation sa lugar kaya agad nitong itinuro kung saan nito nakitang palutang-lutang ang biktima.
Napag-alaman na huling nakitang buhay ang biktima noong Nobyembre 16 nang tumalon ito sa Ilog Pasig kasama ng kanyang mga kaibigan sa Bambang Bridge sa Pasig City. (Jocelyn Domenden)