Advertisers

Advertisers

Pagpapalawig sa validity ng Bayanihan 2, itinutulak sa Kamara

0 266

Advertisers

ISINUSULONG ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na palawigin ang validity ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Nangangamba si Nograles na hindi umabot ang validity ng Bayanihan 2 sa oras na maging available sa bansa ang bakuna laban sa COVID-19.
Sa kanyang inihaing House Bil No. 8017, sinabi ni Nograles na mahalagang matiyak ang continuity sa pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng pandemya.
Hindi aniya dapat maantala ang pagbili sa COVID-19 vaccine kapag available na ito kaya mahalagang matiyak ang pondo para rito sa pamamagitan nang pag-amiyenda sa deadline ng validity ng Bayanihan 2 at palawigin ito ng hanggang Disyembre 21, 2022.
Umaasa si Nograles na sa 2022 ay mayroon nang gamot at bakuna sa COVID-19. (Josephine Patricio)