Advertisers
NAGBABALA ang World Health Organization( WHO) na hindi dapat ginagamit na panggamot sa mga pasyente ng COVID-19 ang anti-viral drug na Remdesivir.
Ang pahayag na ito ng WHO guideline development group, ay sa kadahilanang walang sapat na ebidensyang magpapatunay na ang Remdesivir ay nakapagpapabuti sa kondisyon ng pasyente.
Una nang inaprubahan sa Amerika, European Union at iba pang mga bansa ang pansamantalang paggamit ng gamot matapos lumitaw sa pag-aaral na pinabibilis nito ang recovery time ng COVID-19 patients.
Matatandaan na mismong si US President Donal Trump ay ginamitan ng Remdesivir nang siya ay magpositibo sa sakit. (Josephine Patricio)