Advertisers

Advertisers

2 nalitson sa kandila

0 180

Advertisers

Patay sa sunog ang dalawang katao na tumupok sa isang lugar sa Muntinlupa.
Kinilala ang mga nasawi na sina Maricel Asido, 56; at tiyuhing si Zozimo Asido, 73.
Sa ulat, sumiklab ang sunog 6:00 ng gabi sa Camella Homes sa Barangay Putatan.
Iniakyat sa unang alarma ang sunog sa ganap na 6:24 ng gabi at naging under control 7:10 ng gabi.
Tuluyan naman itong naapula pagtungtong ng 7:17 ng gabi.
Ayon sa report, na-trap ang mga biktima sa kanilang bahay dahil sa paralyzed si Zozimo.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon kung saan tinitingnan na ang naiwang kandila sa altar ang pinagmulan ng apoy.
Napinsala rin ang dalawang iba pang bahay habang umabot naman sa P1 milyon ang nasunog. (Gaynor Bonilla)