Advertisers
BAHAGYANG tumaas muli ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa patuloy namang pagtaas ng tinatamaan o nagpopositibo sa sakit.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Nobyembre 21, nasa 33,224 na ulit ang aktibong kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay dahil dahil may nadagdag na 1,791 na bagong kaso dahilan para umakyat na sa 416,852 ang kabuuang Covid-19 case sa Pilipinas.
Habang ang recoveries ay pumalo na rin sa 375,548 o katumbas ng 90.1% dahil sa karagdagang 328 recoveries.
Ang deaths o pumanaw naman ay nadagdagan ng 55 kaya umabot na s akabuuang 8,080 ang mga namamatay sa sakit.
Sa mga aktibong kaso, 84.5% ang mild , 8.7% ang aymptomatic, 4.3% ang critical, 2.3% severe at ang moderate case ay nasa 0.20 5 lamang.
Sa mga bagong naitalang kaso, ang Tarlac ang nakapagtala ngayong araw ng mataas na bilang na nasa 211, Davao City,115; Laguna,74;cavite,69 at Negros Occidental 65. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)