Advertisers

Advertisers

Jason may ‘The Clean Water Project’ para sa Cagayan at Isabela

0 251

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SINIMULAN ng Kapuso actor na si Jason Abalos ang ‘The Clean Water Project’ para sa mga residente ng Cagayan at Isabela na tinamaan ng bagyo. Layunin nitong magbigay ng malinis na tubig para sa mga nasabing probinsya. 



“Maigsing kuwento lang. Kahapon kausap ko pinsan ko na nasa Isabela sabi ko bili tayo water containers para pwede pa magamit ulit, at sana may mga refilling station sa Cagayan at Isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig. Nakapagbigay po kami ng ilan. Pero madami pa rin po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom,” kuwento niya sa Instagram. 

Dagdag pa ng aktor, “Hindi ako nagse-celebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at magpapainom tayo ng malinis na tubig. 

“DM n’yo na lang po ‘yong regalo n’yo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. Maraming salamat po,” aniya. 

Ibinalita rin ni Jason na as of November 18, mayroon nang naipong clean drinking water para sa 400 families ang proyekto.

***



Willie Revillame tuloy ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo

Patuloy ang ginagawang serbisyo publiko ng Wowowin host na si Willie Revillame para sa mga kababayan natin sa Catanduanes na nasalanta ng bagyong Rolly.

Nitong Lunes (November 16) at Martes (November 17), ipinasilip ni Willie ang kanyang ginawang relief efforts para sa mga residente ng Catanduanes. 

Ayon kay Willie, ito ang kanyang tugon matapos mapanood ang panawagan ng isang lola para makatanggap ng ayuda.

Ani Willie, “Si nanay napanood ko sa 24 Oras. Sabi ko hindi naman pupuwedeng matutulog lang ako nang may makikiusap na tulungan kayo.” 

Mismong si Willie ang nagpalipad ng kanyang helicopter nang siya ay bumiyahe patungong Catanduanes noong November 8 kasama ang dalawa pang helicopters na dala ang kanyang mga donasyon tulad ng jackets, gamot, banig, at kumot.

Bukod pa sa mga ito, nagpaabot din siya ng financial assistance na nagkakahalaga ng Php 5 million.

 ***

Eugene Domingo biktima ng illegal recruiter sa ‘Dear Uge Presents’

Mabibiktima ng illegal recruiter ang karakter ni Eugene Domingo sa fresh episode ng ‘Dear Uge Presents’ ngayong Linggo (November 22).

Tampok sa episode na ‘My Lover, The Scammer’ ang kuwento ni Dessa (Eugene) na isang aspiring immigrant na naghahanap ng better opportunities sa labas ng bansa para suportahan ang kanyang pamilya.

Na-enjoy raw ni Eugene na gampanan ang kanyang makulay na karakter, “Nag-enjoy ako kasi this time mas colorful ‘yung character ko. Ang character ko rito ay si Dessa na masayahing tao pero nalungkot dahil naging biktima siya ng illegal recruiter. Ang gusto lang talaga niya ay makatulong sa pamilya niya.”

Dagdag pa ni Eugene, kapupulutan din daw ng aral ang sinapit ng kanyang karakter.

Aniya, “Ang naipakita ni Dessa na value na hindi dapat natin makalimutan is ‘yung honesty and don’t ignore the guilt. Ang importante sa buhay ay malinis ang konsensya mo.”

Panoorin ang nakaka-excite na episode na ‘yan ngayong Linggo, November 22, sa Dear Uge Presents: My Lover, The Scammer kasama sina Eugene Domingo, Divine Tetay, at Benjie Paras.