Advertisers
NASAWI ang 73-anyos na lolang street sweeper nang mabangga ng dalawang ulit ng magkaibang sasakyan habang tumatawid sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Lydia Infante, residente ng 235 H. Lopez Blvd., Balut, Tondo.
Kapwa nasa kustodiya naman na ng pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso sa piskalya ang driver ng dalawang behikulo na nasangkot sa aksidente na sina Dennis dela Cruz at Anecito Pequit.
Sa ulat, 6:25 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Honorio Lopez St., malapit sa kanto ng Rodriguez St., sa Balut, Tondo.
Ayon sa report, tumatawid ang biktima sa naturang lugar nang mahagip ito ng harapang bahagi ng itim na Montero Sport na minamaneho ni Dela Cruz at tumilapon ang biktima sa kabilang lane ng kalsada at dito naman ito nabangga ng minamanehong taxi ni Pequit.(Andi Garcia)