Advertisers
Advertisers
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA pamamagitan ng kanyang Instagram account, kinumpirma ni Derek Ramsay na hiwalay na nga sila ni Andrea Torres.
Pero wala raw third party involved Ang tanging sinabi niya lang na dahilan, hindi raw siguro sila meant for each other ni Andrea.
Sa bawat hiwalayan ay may dahilan, ‘di ba? Siguro pinag-usapan na lang ng dalawa na huwag nang sabihin ang tunay na dahilan ng beak-up nila. Sinabi pa noon ni Derek sa interview niya na napag-uusapan na nila ni Andrea ang kasal. At sure na siya na ang akres na ang gusto niyang iharap sa dambana. Pero ayan nga at naghiwalay din pala sila.
***
ANG pelikulang Boyette: Not A Girl Yet mula sa Star Cinema, na pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla ay inspired ang story sa personal experience ng direktor nito na si Jumbo Albano
Ayon sa nasabing direktor, wala siyang nakikitang ibang puwedeng gumanap bilang siya, kundi si Zajian.
Sa virtual global media conference ng Boyette, ipinaliwanag ni Zaijan kung bakit niya tinanggap ang Boyette, kung bakit siya napa-oo na gawin ito.
Sabi ni Zaijian,”Napapayag po ako ni Direk Jumbo kasi sobrang layo po ng role ko sa Boyette du’n sa nakilala ako rati bilang si Santino (mula sa seryeng May Bukas Pa).
“Parang gusto ko pong baguhin ‘yung image ko. HIndi naman po sa talagang baguhin, pero parang gusto ko lang pong ipakita sa ibang tao na marami akong kayang gawin, na i-portray na role. And ‘yung Boyette po, naging isang malaking opportunity sa akin para patunayan ko po sa mga tao, and sa sarili ko, na kaya ko ring gumawa ng ibang role.
“And sobrang happy po ako na binigay po ‘yun ni Direk Jumbo sa akin. Katulad nga po ng sinabi niya na wala siyang nakikitang ibang gaganap nu’n kundi ako. Sobrang saya po nu’n and sobrang thankful po ako sa Star Cinema, kay Inang (Olivia Lamasan).”
Sa point of view mo, ano ‘yung story na gustong tahakin o ikuwento ni Boyette?
“Sa point of view ko po, gusto lang ni Boyette na maging malaya. Parang all throughout nu’ng kuwento gusto niya lang maging malaya, kasi meron siyang sakit. Tapos, bakla siya. Natatakot siya na baka hindi siya tanggapin ng society, hindi matanggap ‘yung gender niya, Pero parang mula una hanggang dulo po ng movie, doon mo makikita na matapang pala si Boyette. And hindi lang siya basta bakla, Yun po.”
Ang Boyette ay mapapanood na simula sa November 27,2020 sa KTX.ph,iWant TFC app and website.TFC IPTV, Cignay pay-per-view at Sky Cable pay-per-view sa halagang P150.00 lamang.