Advertisers
TIMBOG ang dalawang senior citizens sa buybust operation nitong Biyernes ng gabi sa Barangay Ibayo Silangan, Naic, Cavite.
Kinilala ang dalawang matanda na sina Saturnino Virginia, 71, may asawa, ng Soriano Compound Brgy. Ibayo Silangan; at Belina Porteria, 68, ng Brgy. San Roque ng bayan ding ito.
Sa ulat, 10:45 ng gabi nang ilatag ng DEU Naic at PDEA ang isang drug-bust laban sa 2 matanda na kilalang tulak ng pagtutulak sa kanilang lugar.
Nakuhanan ang mga ito ng 6 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng ‘di pa mabilang na shubu. (Irine Gascon)