Advertisers

Advertisers

Brgy. Tanod tumalon sa ilog, patay!

0 243

Advertisers

NASAWI ang isang barangay tanod nang tumalon sa Ilog Pasig sa may Lorenzo Dela Paz Street, Beata, Pandacan nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Roderick Loveranes, 46, balo, at nakatira sa 650 Jesus Ext. sakop ng Barangay 839 ng nasabing lugar.
Nabatid na bago ang insidente ay nakita pa ni Aureen Silvestre ang biktima 2:00 ng madaling araw habang nakatayo mag-isa sa gilid ng Ferry Station.
Makalipas ang30 minuto ay narinig na lamang niyang sumisigaw ang biktima at nagpapasaklo hanggang sa tuluyan na itong malunod.
Agad namang ipinagbigay alam ng barangay ang insidente sa mga operatiba kung saan na-retrieve ang bangkay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) 6:30 na ng umaga. (Jocelyn Domenden)