Advertisers

Advertisers

DOLE-REGION 2 NAMAHAGI NA NG AYUDA SA MGA APEKTADO NG PAGBAHA

Good news sa mga nasalanta ni Ulysses...

0 224

Advertisers

Cagayan Valley – Ipinamamahagi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 02 ang ayuda para sa mga apektado ng malawakang pagbaha dulot ng nakaraang bagyong Ulysses.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, sa ilalim ng ‘Cash for Work’ ibibigay bilang advance salary ang 20% ng kabuuang sahod nila habang ang final payment ay makukuha nila kapag nakumpleto na ang labin-dalawa hanggang labinlimang araw na trabaho sa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya.
Aniya, nagbigay narin ng pondo para sa proyekto sa Region 2 para sa 15,000 manggagawa na benipisyaryo ng Cash for Work na nagkakahalaga ng P200 million.
Naglaan ng inisyal na P50 million ang DOLE Region 2 para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Ayon kay Chester Trinidad, ang information officer ng DOLE Region 2, nagsimula na ang payout para sa mga benepisaryo ng TUPAD.
Nasa 9,050 workers na napabilang sa Cash for Work program ng DOLE ang makakatanggap ng tig-P5,500.
Aniya, dadagdagan pa ng ahensya ang bilang ng mga benepisaryo upang mas maraming matulungan.
Sinagot naman ng DOLE ang report ng ilang mamamayan patungkol sa mga TUPAD Workers na hindi nagtatrabaho pero nakakatanggap parin sa programa ng ahensya.
Ayon kay Trinidad, maaaring personal na magtungo sa mga peso managers sa bawat LGU at doon ireklamo ang mga ito at maaaring ipadala sa kanilang social media accounts upang mapuntahan ng labor inspectors para maberipika ang impormasyon.
Kaugnay nito, inanyayahan ng DOLE Region 2 ang mga mamamayan na nais na mag-apply sa CAMP na bisitahin na ang kanilang website dahil madami pang kulang sa kanilang benepisaryo. – REY VELASCO