Advertisers

Advertisers

Gabby Concepcion sabik na kay Sanya Lopez

0 297

Advertisers

Ni BKC

DAHIL  unang beses nilang magtatambal sa isang serye, excited na raw si Gabby Concepcion na makatrabaho si Sanya Lopez para sa upcoming Kapuso series na ‘First Yaya.’

Pagbabahagi ni Gabby, “Marami na akong narinig na maganda tungkol sa kanya. Malaki ang fanbase niya and gusto kong makarating sa kanyang fans na I’m really happy na makakasama ko ang idol ninyo.



“It’ll be a surprise. Hindi ko pa siya nakikila in person. Okay naman siya sa Zoom. Ang ganda naman ng energy na nakikita ko, so, I’m excited.”

Malapit na ring magsimula ang lock-in taping para sa First Yaya na tatagal hanggang bago mag-Pasko. Dagdag pa ni Gabby, ito raw ang unang pagkakataon na magdiriwang siya ng Pasko sa Pilipinas.

Aniya, “First time ko lang mase-celebrate ang Christmas dito kasi every year umaalis kami. Pero ngayon first time naming ma-experience na dito lang sa bahay since 2008. Iba rin siya. Iba ring thrill siya kasi something new again.”

***

Alden may regalo sa fans bukod pa sa concert



THE gift that keeps on giving! Talaga namang walang tigil ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa paghahatid ng saya sa kanyang loyal fans.

Isa na namang regalo ang kanyang inihahanda kasama ang GMA Music at FlipMusic Productions kasabay ng paggunita sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Makikita sa social media pages ng GMA Music ang behind-the-scenes ng pagre-record ni Alden ng pinakabago niyang single. Malapit na i-reveal ang magiging title nito kaya tumutok lang sa mga susunod na updates ni Alden at ng GMA Music.

Samantala, all set na rin ang Kapuso star sa kanyang upcoming anniversary concert na ‘Alden’s Reality’ sa darating na December 8. Ito ang kauna-unahang virtual reality concert na gaganapin sa bansa.

Para sa mga hindi pa nakakuha ng tickets, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy! Magmadali na dahil balita naming ay almost sold out na ang VIP tickets nito!

***

Paolo Contis ‘single dad for a day’ sa bagong vlog

NAKA-survive kaya ang Kapuso star na si Paolo Contis sa pagsabak niya sa “Single Dad” challenge?

Sa latest vlog ng comedian/actor, isang buong araw siyang nagbantay at nag-alaga kay Aki at Baby Summer ng walang tulong mula sa kanilang Mommy at kanyang partner na si LJ Reyes.

First day ng work in the new normal ni LJ kaya pansamantalang iniwan muna niya sa bahay ang mag-aama. Mapapanood sa video kung paano binabalanse ni Paolo ang pag-aasikaso sa mga bata habang isinasagawa ang household chores at kanyang trabaho online.

Ibinahagi rin niya ang sikreto sa kanyang pagpapapayat: ang pagsunod sa juice cleanse/detox. Para sa kabuuan ng vlog na “A Day in the Life of #PaoJ: Iwan Ako sa Kids,” pumunta lang sa YouTube channel ni Paolo.

***

The Lost Recipe simula na ang lock-in taping

KASALUKUYANG nasa lock-in taping na ang cast at crew ng upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe.

Kahit taping under the ‘new normal’ ang TV production, handang-handa naman ang mga bida ng serye na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa kanilang pagganap bilang young culinary professionals.

Dapat ding pakatutukan ang mga karakter ng mga kasama nila sa serye na sina Thea Tolentino, Paul Salas, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, Crystal Paras, at si Chef Anton Amoncio.

Anu-ano kaya ang mga masasarap na putahe at naiibang kwentong ihahain ng The Lost Recipe? Abangan ‘yan soon sa GMA News TV.