Advertisers
HINDI bababa sa P100,000 pera at ari- arian ng mga kostumer at grocery ang natangay ng 4 armadong kalalakihan na nanloob sa isang Korean grocery sa Barangay Bacao 2, Gen. Trias City, Cavite nitong Biyernes.
Isa sa apat na suspek ang naaresto sa pamamagitan ng locator ng cellphone ng isa sa mga kostumer na natangayan ng mga ito na nakilalang si Alejandrino Llena Jr., 42, driver, habang pinaghahanap ang 3 pang kasamahan nito.
Sa ulat, 12:17 ng katanghalian nang pasukin ng 4 armadong kalalakihan ang Banggrae Korean Grocery sa Brgy. Bacao 2. Kasalukuyang nasa loob ng grocery ang 5 kostumer na sina Jean Karren Suarez, 29; Madonna Mendoza, 57; Ma. Corazon Aquino, 34; Ariane Rose Aquino, 29; at Reyanna Mae Mendoza, 27, at mga namimili nang magdeklara ng holdap ang apat na lalaki at pinadapa ang lahat ng tao sa loob kabilang na ang mga staff dito at sinimulang limasin ang lahat ng kinita ng grocery pati na ang mga cellphone, alahas at iba pang ari-arian ng mga kostumer bago mabilis na nagsitakas.
Agad na tumawag sa pulisya ang pamunuan ng grocery. At sa tulong ng isang cellphone ng mga biktima na tinangay ng mga magnanakaw kungsaan naka-active ang locator nito ay natunton ang isa sa mga magnanakaw sa isang lugar sa Bacoor City. (Irine Gascon)