Advertisers
NI GERRY OCAMPO
NAGKATOTOO na ang paalala ng mga netizen kay Andrea Torres na hindi magiging matagalan ang pagmamahalan nila ni Derek Ramsay.
Diumano ay hindi nagtatagal ang nakakarelasyon ni Derek dahil kinakalasan ito ng actor kapag nagsawa na raw.
Pero mayroon din naman nagtatanggol sa actor. Baka raw napagtanto ng dalawang panig na hindi sila magkakasundo sa bandang huli kaya nauuwi sa break-up.
Sa una ay ayaw magbigay ng pahayag ng dalawa kung ano nga ba talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Hanggang sa magbigay na rin ng pahayag si Andrea matapos na magsalita si Derek para kumpirmahin na hiwalay na nga sila ng actress.
Sa ibinigay na pahayag ni Andrea sa GMANetwork.com, hindi sinang-ayunan ni Andrea ang naging pahayag ni Derek na walang third party sa break-up nila.
“Yes, Derek and I are no longer together. I`d rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship.
“I think you all know how much it meant to me. I hope you understand I will always wish him and the his family well,” pahayag ni Andrea.
Hindi man sabihin o aminin ni Andrea na sobrang sakit ang kanyang nadarama sa ngayon ay mistulang damang-dama naman ng kanyang mga supporter at followers ang kirot na nadama nito sa break-up.
Dalangin ng mga nagmamahal kay Andrea na one day ay makatagpo rin ito ng tunay na lalaking wagas na magmamahal sa kanya.
Baka nga raw blessing pa sa actress ang nangyari dahil hanggang maaga ay napagtanto na hindi sila para sa isa`t isa. Mas masakit nangyari ang kanilang break-up kung kasal na sila at mayroon nang anak.
Hindi rin magtataka at magugulat ang mga followers ni Andrea na balang araw ay makakatagpo rin daw ng katapat ang actor.