Advertisers
PATAY ang isang taxi driver nang pagsasaksakin ng barker na nakasagutan nito dahil sa paradahan sa terminal sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Nilo Dela Cruz, 46, ng No. 124 Cotabato St., Salam Mosque Compound, Barangay Culiat, Q. C.
Ang salarin na agad na tumakas matapos ang pananaksak ay kinilalang si Sonny Rances, 52, ng 678 EDSA, Cubao, Q.C.
Sa ulat, 7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap ng Mang Inasal sa EDSA corner Monte De Piedad Sts, Barangay. Immaculate, Concepcion.
Ayon sa report, nagtalo sina Dela Cruz at Rances tungkol sa regulasyon sa paradahan na ipinatutupad sa terminal ng taxi at public utility van.
Lumalabas na kinakausap ng biktima ang kapwa taxi driver na si Reynaldo Miralles na lingid sa kaalaman nito ay kumuha na ng patalim si Rances at inundyan ang biktima ng saksak. (Boy Celario)