Advertisers

Advertisers

Ligtas ka sa Pinas!

0 314

Advertisers

Wala ng duda. Kapag nasa Pinas ka, ligtas ka.

Yan ang huling pinatunayan ng ulat ng banyagang taga-suri na Gallup, na naka-base sa Estados Unidos.

Sa inilabas nitong 2020 Global Law and Order, ang ating bansang Pilipinas daw ay nakapagtala ng 84 grado na kahalintulad sa mga bansang Australia, New Zealand, Poland at Serbia na pawang nabibilang sa pang-labingdalawang (12th spot) mga bansang pinakaligtas na lugar.



Nabanggit sa ulat na nangunguna sa listahan ang bansang Singapore at Turmenista, at kung ang pag-uusapan ay batas at kaayusan o ‘law and order’. kasunod lamang ang China, Iceland at Kuwait.

Sa pagsusuring ginawa ng Gallup lumalabas din na pito sa sampu katao sa buong mundo ay nakakapagsabi pa rn na nakakalabas pa rin sila ng kanilang mga tahanan at nakakapaglakad sa gabi nang walang anumang masamang nangyayari. Patunay ito ng mahusay na pagtratrabaho at tiwala nilang binibigay sa lokal na kapulisan.

Nangangahulugan na ganito rin ang nakuhang mga kasagutan ng Gallup sa mga Filipino nilang tinanong. Nasurprisa, sabi nga ng mga Bisaya, maging si Pangulong Digong, ibig sabihin kasi ay mahusay na pagbabantay ang ginagawa ng ating Philippine National Police (PNP) at siyempre isama na natin ang sandatahang lakas.

“I was really surprised…so if it’s a recent Gallup survey, it only shows that, well, we have to credit the police and the other uniformed services of goverment who have toiled to make this country at least very peaceful,” ang mga katagang binitawan ni Pangulong Duterte matapos malaman ang inilabas na ulat ng Gallup.

Ang good news na ito ay talagang aani ng mga positibong bagay para sa bansa. Bukod sa lumalaking pagtitiwala ng ating mga kababayan sa ating kapulisan, maiienganyo nito ang mga banyaga na dumalaw sa bansa.



Siyempre pag may positive, may negative. Lumuluha ang mga ayaw makarinig ng mga ganitong magandang balita. Gagawa at gagawa sila ng paraan upang pihitin ang isyu at mapamukha sa mga Filipino na masama pa rn ang kalagayan ng peace and order sa bayan. Yan kasi ang ikinabubuhay ng ilan sa atin, ang manira.

Sa katunayan ang ulat ng Gallup, ay indikasyon na karamihan sa Filipino ay patuloy na nagtitiwala sa pamamalakad ng Administrasyong Duterte at hindi na basta-basta maloloko ng mga organisasyon o sektor na nagpapanggap lamang na makatao.

Kudos! Sa ating kapulisan at sandatahan. Pinatutunayan ng ulat ng Gallup na tunay niyong ginagampanan ang inyong mga sinumpaang katungkulan.