Advertisers

Advertisers

Mapagpasyang aksyon laban sa malawakang pagbaha

0 239

Advertisers

DAPAT nating pasalamatan ang ang mga tao at organisasyong aktibong nagbibigay ng ayuda sa mga kababayan nating nasalanta ng magkakasunod na mga bagyo.

Ipinapakita ninyo na hindi nawawala ang katangian ng mga Filipino na matulungin sa kapwa.

Ang pagiging matulungin ng mga Filipino ay nakabatay sa konseptong “bayanihan”.



Ngunit, hindi maganda kung palaging magbibigay ng ayuda ang mga Filipino tuwing matatapos ang mapangwasak na bagyo.

Ito’y dahil nangangahulugang nanatili ang suliranin ng bansa tuwing matatapos pumasok ang malakas na bagyo sa atin.

Kapag nanatili ang mga suliranin, ibig sabihin, regular ding tutulong ang maraming Filipino at organisasyon sa mga biktima ng bagyo.

Ibig sabihin, regular nating patutunayang matulungin ang mga Filipino – paulit – ulit nating paninindigang umiiral nga hanggang ngayon ang bayanihan.

Natandaan ba ninyo ang super bagyong “Yolanda” noong 2013 na humagupit sa Leyte at iba pang kalapit na mga lalawigan.



Mahigit 6,000 katao ang namatay.

Napakaraming bahay ang nawasak.

Naparaming negosyante ang natigil ang negosyo.

Pagkatapos ng kalunus-lunos na pangyayaring ‘yan ay napakaraming tumulong, naakaraming perang itinulong mula sa pamahalaan at mga organisasyon mula sa ibang bansa.

Ano ang nangyari pagkatapos?

Hindi nareresolbahan ang problema ng mga biktima ng Yolanda, samantalang 2020 na ngayon.

Natapos ang termino ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III at matatapos na rin ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit hanggang ngayon ay kalunus-lunos pa rin ang mga residente sa Leyte na biktima ng Yolanda.

Ngayon naman ay humaguit nang todo ang bagyong “Rolly” at “Ulysses”, partikular sa Bicol, Cagayan, Isabela, Lungsod ng Marikina at ilang bayan sa Rizal tulad ng Montalban, San Mateo, Cainta at Lungsod ng Antipolo.

Sa hindi nakakaalam, hindi lang maramig barangay sa Montalban at San Mateo ang binaha nang husto, kundi maging ang mga subdibisyon sa kahabaan ng Marcos Hiway.

Alam ko alam ito ng gobernadora ng Rizal na si Rebecca “Nini” Ynares dahil alkalde ng Antipolo ang manugang niyang si Andrea “Andeng” Bautista na asawa ng anak niyang si Jun-jun Ynares na naging alkalde rin ng Antipolo ng anim na taon.

Umabot na sa P15 bilyon ang ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mga nasalanta ni Rolly at Ulysses.

Mayroon pang P16 bilyon ang DBM para sa mga biktima ng bagyo.

Naglabas din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P77.9 milyon para sa parehong layunin.

Umabot naman sa P1.5 bilyon ang ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga pamahalaang lokal ng Rehiyon ng Cagayan, Rehiyong 4 – A at Rehiyong 4 – B para din ayudahan ang mga biktima ng magkakasunod na bagyo.

Milyun-milyon din ang nakaratng mula sa mga organisasyon nakabase sa ibang bansa.

Pagkatapos ng mga aksyong ito, tiyak magiging kalunus-lunos mula ang kalagayan ng maraming bayan at lungsod sa Rizal, Bicol, Cagayan at iba kapag rumagasa uli ang mga bagyo sa Luzon kapag walang mapagpasyang aksyong gagawin ang pamahalaan hinggil dito.

Napakaimportante ng mapagpasyang hakbang at solusyon sa problema sa mga pagbaha.

Pagkatapos ng mga bagyo sa susunod na mga panahon ay magbibigay muli ng mga ayuda ang maraming Filipino at ang kanilag mga organisasyon.

Maglalabas muli ng bilyun-bilyong pera ang pamahalaan.

At marami na namang mga politikong sasabayan ng pangangampanya ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo.

Pokaragat na ‘yan!