Advertisers

Advertisers

New-look Lakers!

0 290

Advertisers

Halos bagong-bihis na ang Los Angeles Lakers sa pagdepensa nila ng korona simula sa ika-22 ng Disyembre.

Wala na ang ilang mga key player sa pagkasungkit nila ng korona nito lamang Oktubre. Umalis na sina Rajon Rando, Dwight Howard pati ang wala sa Disney bubble na si Avery Bradley. Pinagpalit naman sina Danny Green at JaVale McGee. Pinakawalan na rin si Quinn Cook. Malamang di na rin natin makikita pa si JR Smith.

Parating naman sina Marc Gasol, Dennis Schroder, Wesley Matthews, Montrezl Harrell, Jordan Bell at Alfonzo Mckinnie.



Para kay Pepeng Kirat sana raw nanatili sina Howard o McGee at isa kina Rando o Green para sa continuity ng core group

May nagsasabi namang iba na lalong lumakas ang koponan ni LeBron James sa pagbalasa ng LA VP na si Rob Pelinka.

Ngunit hindi pa tayo sigurado diyan eka ni Ka Berong.

Magblend ba raw mga baguhan sa istilo nina James at Anthony Davis?

Ayon naman kay Tata Selo ay mas bumata at dumami scoring option ng prangkisa ni Jeannie Buss. Higit daw ma-spread ang floor dahil may sentro na silang may outside shooting sa katauhan ni Gasol na ang kapatid na si Pau ay dating Laker.



Luluwag daw ang gitna para sa mga penetration ni King James.

On paper lang ito at saka pa natin malalaman kung talagang nag-improve ba sila.

***

Samantala nagdagdag din ng piyesa ang karibal ng Lakers na Clippers na nabingwit si Serge Ibaka na kakampi dati ni Kawhi Leonard sa Raptors.

Ang mahigpit naman nilang katunggali sa padamihan ng titulo na Boston ay kinuha si Tristan Thompson sa Cleveland upangmay steady presence sila sa ilalim.

Ang nanguna sa huling dalawang taon sa regular season na Milwaukee ay patuloy sa pagrecruit ng makakatulong kay GiannisAntetokounmpo. Nasa kanila na ngayon si Jrue Holiday at may mga tinatarget pang mga shooter.

***

Dito naman sa local scene ay isang panalo na lang kapwa ang Barangay Ginebra at Phoenix LPG sa kani-kanilang mga serye. Kung magwagi sila parehas sa Miyerkules ay sila magtatagpo sa Finals ng Philippine Cup. Sila rin uno at dos sa elims.

Pero huwag nyo yan sabihin sa dalawang magkapatid na koponan ni Manny Pangilinan. Tiyak ibubuhos nila lahat bukas para makatabla sa Game 4 at magkaroon ng winner-take-all sa Game 5.

Ito pa naman ang pinakamatinding All-Filipinio line up ng Bolts at lalo naman ang Tropang Giga kaya dapat hindi palampasinang pagkakataon na ibinibigay sa kanila pareho.