Advertisers
Panglima na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga senador nating nagkaroon ng corona virus (COVID-19). Si dela Rosa ang pinakahuling senador na nagkaroon ng nasabing nakakatakot na sakit na naging sanhi ng pandaigdigang pandemya.
Una nang nagka-Covid-19 sina senador Migz Zubiri, Koko Pimentel, Sonny Angara at Bong Revilla Jr.
Nasa Davao ngayon si Senator dela Rosa na nag-attend pa ng hearing para sa 2021 budget noong araw ng Biyernes (November20,2020).
Nagpositibo rin sa Covid-19 ang panganay na anak ni dela Rosa, ang driver nito at isang kasambahay ng senador.
Personal nating ipinaabot sa mabunying mambabatas ang ating dalangin para sa kanyang mabilis na paggaling.
Nagnegatibo naman sa swab test na isinagawa dito si Senate President Tito Sotto na nakasalamuha din ni dela Rosa sa Senado sa ginawang budget deliberation.
Sa kanyang FB account, nagpost ng mensahe si Senator Bato na nananawagan sa mga posibleng indibidwal na kanyang nakasalamuha nitong nagdaang mga araw na gawin ang mga itinadhanang health at safety protocols.
Hindi batid ng ating kaibigang senador kung saan nito nakuha ang virus ngunit posible umanong ito ay nagmula rin sa mga taong nagtungo sa Senado.
“HIndi natin ito kinakatakutan ngunit kailangang mag-self quarantine din tayo kahit wala akong nararamdamang sintomas alinsunod sa protocol” ayon pa sa senador na inaming may ubo ito at sipon.
Wala ring sintomas ang anak nito samantalang may ubo naman umano ang kanyang driver at kasambahay.
Lahat sila ay nag-positive sa test.
Kilala natin si dela Rosa na isa sa masusugid at matapat na supporter at kaalyado ng Pangulong Duterte.
Naging Davao City Police Director din si dela Rosa noong panahon ni Duterte bilang mayor ng Davao City.
Makaraang magretiro sa serbisyo ng pagpupulis bilang hepe ng Philippine National Police (PNP), itinalaga din ito ng Pangulong Duterte bilang BUCOR chief bago pa man tumakbo at manalong senador noong 2019.
Speaking of PNP, personal nating ipinaabot sa ating bagong hirang na hepe ng NCRPO na si General Vicente Danao ang mainit natin pagbati dito.
Si Danao ngayon ang bagong binansagang “DARLING OF THE PRESS” ng ating mga kabaro sa hanapbuhay.
Maganda ang PR ni Danao at very accommodating sa working press at kaibigan ng marami sa ating mga katsokaran sa media.
Ika nga, marunong sumayaw sa tugtog ang mabait na heneral at sadyang magaling makisama.
Malayung-malayo sa iba d’yang heneral na allergic sa media at akala mo kung sinong magaling!
Pero ‘wag ka, kawayan na lang ang kulang,lilitsonin na!
Again, our prayers for the speedy recovery of a dear friend and a very good man, Senator Bato dela Rosa.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com