Advertisers

Advertisers

Wesley So pasok sa semis ng Speed Chess

0 215

Advertisers

NILAMPASO ni Grandmaster Wesley So si Jan-Krzysztof Duda ng Poland,16-10, para umusad sa semifinals ng 2020 Speed Chess Champion-ship nitong Linggo.
Ang two-time United States champion, ay nahi-rapan sa simula na naghabol sa 4-2 laban kay Duda.
Pero ang Cavite-born native ay nanateling kalmado bago naitabla sa 4-all sa pagtapos ng first phase (five minutes with one second time control) bago dominahin ang second phase (3×1) 8-1, para kumalas.
“I just try to move on and forget about the past. I took a deep breath and tried to play solidly,” Wika ni So sa post-match interview.
Hindi gaya sa una nilang engkwentro na tinambakan ni So si Duda 20-7,sa 2018 Elite Speed Chess edition kabilang ang 9-1 sa bullet, ang Polish na No. 1 ay nag-improved lalo na sa faster time control.
Ngayon alam na ni So.
“He has improved a lot, very stable in unclear positions,” Wika ni So kay Duda.
Dahil sa panalo ay makakaharap ni So ang mananalo sa pagitan nina defending champion Hikaru Nakamura ng US at Vladimir Fedoseev ng Russia sa semis para sa nag-aantay na malaking laban na may nakalaang premyo US$100,000 (4.8 million).